webnovel

Friendship

The night swiftly ended and then next day she wake up with a hyperventilating endurance. Hindi siya mapakali dahil pagpatak nang alas ocho dapat ay naroon na siya sa Pink Tower.

Darcy noticed her vibrating energy. Tinanong nito kung puwede siyang i-cheer.

"Darcy that's embarrassing. You don't have to do that." Aniya rito, binato niya ng tissue bago lumabas ng sasakyan.

Pagkalabas ay lumingon siya sa BMW nang bumusina ito ng ilang beses. She walked closer and crouched a little. Bumaba ang window kasabay nang pagdungaw ni Darcy roon. "Pustahan tayo. Luluwa ang mga mata nang judges kapag ikaw na ang nag-ramp."

Bumungisngis siya sa biro nito. "You're crazy as always, Darcy."

Nang talikuran niya ito, tiningala niya ang kabuoan ng building. Ginapangan din siya nang kaba sa dami ng taong naroon. Gosh, ganito pala talaga? Hindi niya alam kung saan papasok dahil may ilan ay nakapila at may number na. Sumulyap siya sa kanyang cellphone para tingnan ang oras. Hindi pa naman ako huli pero ganito na.

Nahihiya niyang sinilip ang loob. Nabuhayan siya nang dugo nang makita roon si Lawrence. Gaya niya ay naka-ripped jeans, tank-top at pumps ito. Halatang hindi mapakali dahil panay ang silip sa cellphone. Bumaling saglit sa labas kaya nagkatitigan sila.

Nginitian niya ito ng buong lapad at nakisiksik sa entrance.

"Ang haba ng pila, ano? Kinuhaan na kita ng number. Tara na sa loob." Anito sa kanya, ibinigay ang numerong 56.

Magkahawak-kamay silang pumasok. Lalong nadagdagan ang kaba niya sa dibdib nang makita ang pamilyar na babae. Nakaupo ito sa hilera ng panel.

"Okay ka lang?"

Nagitla siya sa paghinto ni Lawrence. Tumango siya at muling bumaling kay Winona. Anong gagawin ko? Bakit siya nasa panel of judge?

Tinawag ng isang lalaki ang may numerong 50-60 para papasukin sa dressing room. Doon palang ay may bumabagsak na kapag hindi bumagay ang damit na ibigay sa kanila or hindi kayang suotin. Masyadong revealing ang lahat ng damit, hindi na siya nagtaka. Challenge!

May hawak na pulang dress iyong bakla. Sinusuri nito ang siyam na kasama niya. Lawrence suddenly becomes silent. She understands why, because just like her she must be very nervous right now.

Huminto ang tingin noong bakla sa kanya. Maarte nitong sinuri ang tindig niya. "Number 56, ito ang susuotin mo."

Lumapit siya upang tingnan iyon. Sa pagladlad niya'y biglang tumawa ang bakla. "Hindi kaya?"

She examined the detail. She finds it difficult to wear, there is crisscrossed she doesn't know if on the front or back. "Can you helped me wear it?"

Bumaling sa kanya ang ilan sa mga naglalabas-pasok na mga staff. Nagulat sa accent niya.

The gay slightly smirked. "Sure!"

Sinulyapan niya si Lawrence bago sumunod sa bakla. Kumindat ito sa kanya.

Huminto ang kasama niya kaya ganoon din siya. Noong una iniisip niyang may cubicle kung saan puwedeng magbihis, ang kaso sa paraan nang pagiging maldita nang titig nito ay tumango nalang siya.

She unzipped her ripped jeans and pushed it down on her feet. Wala na siyang pake kung tumitingin ang mga dumadaan dahil narito na siya. Wala nang atrasan.

"Girl, the floor is yours." Anito nang maayusan siya ng kaunti. He even instructed her what to do on the ramp.

Nakapila siya sa likod ni number 53 dahil ang may-ari ng 54 ay umatras. Nakausap niya si number 53. Nagulat daw ito dahil ang inaasahang Go-See ay simple. May kakaibang pakulo raw ngayong taon kumpara last year kaya may pinapasuot sa mga beginner model.

Tumango siya at hinintay si Lawrence. Ito ang may numerong 55 at kumpara sa kanya ay masagwa naman ang napunta rito. Ilang beses na umiling-iling ito kaya sinabihan niya ito ng pampaganang salita. Lawrence immediately boosted her energy.

Ngumisi siya nang magsalita ang panel ng next. Agad siyang lumabas sa nakatabing na kurtina. Her sudden showed up made Winona shifted on her seat.

She walked on the ramp, strutting her fiery and seductive dress with angst on her face. Ang ilan sa mga nakapila, lalo ang lalaking panel ay natulala sa ginawa niya.

She stopped on the edge to wait for their opinion. Winona on her seat remained tight-lip while the guy on the side took the mic. "You're in," he simply said.

Pigil ang sariling tumili, nagpasalamat siya rito at agad pumasok sa kurtina. Hindi na siya nabati ni Lawrence dahil ito na ang kasunod.

Habang nagpapalit ay lumapit sa kanya 'yung bakla kanina. "My name is Pink. Congratulations, girl. Sabi ko na nga ba makukuha ka. Tindig mo palang pasok na. Parang professional."

Ngumiti siya rito. "Thanks, Pink. Sana makuha rin ang kaibigan ko."

"Iyong naka-camouflage?" tanong nito.

Tumango siya.

"Naku, ang inosente kasi ng mukha niya. Kaya naisip kong magmumukha siyang matapang doon. Kailangan niyang mag-stand out gaya mo." Agresibo nitong niladlad ang pamaypay na hawak. "Proceed na kayo sa second floor para mag-fill out ng form."

Ganoon na nga ang nangyari. She headed on the second floor and waited for Lawrence on the bench. Ilang beses na yata siyang sumulyap sa elevator pero hindi pa rin ito dumarating. Kinakabahan na siya. She even gave her a call.

"Number 56 tapos ka na sa form?" bati ng isang babae.

Binigay niya ang papel dito at naghintay pa ng ilang saglit. Agad siyang tumingin sa elevator noong tumunog iyon. Hindi na niya napigilang tumili nang makita si Lawrence na umiiyak sa sobrang tuwa. She literally run their distance to hug her.

"Oh my, Jyra. Ang haba ng explanation ni Vika sa akin. Akala ko noong una ay hindi ako tanggap pero nang sabihin niyang in ako. Umiyak ako, sis."

She nodded her head while her eyes were teary. Kahit sa pag-fill ng form ay nanginginig si Lawrence. Hindi nito mapigilan ang pag-iyak dahil ito na raw ang malaking break na alam niyang magdadala sa kanila sa pangarap nila.

Lahat nang natanggap ay kinuhaan ng vital statistics. They even go through with the basic interview and proceeded on mini photoshoots. Tanghali na nang matapos iyon. Inaasahan nilang lahat na kapag in na ay pasok na. Sa mga pinagdaanang process ay may ilan pa rin ang natanggal. Tulad noong babaeng hindi maibigay ang gusto ng photographer. From forty three their numbers turned down to thirty.

They met Jessica. She's from Cebu and very mestiza. Ikukumpara sa kanyang may pagka-pinkish ang kulay, ito naman ay maputla. Lawrence on the other hand had this typical Asian color, but having an innocent face.

"Babalik tayo sa makalawa para sa make-up shoot. Anong company ba iyon?" tanong ni Jessica nang silay matapos mag-work out.

"Isa lang ang tiyak ako. Mamahaling brand." Sabad ni Lawrence bago uminom sa hawak nitong mineral water.

She pursed her lips. Kilala niya kasi kung anong brand iyon. "They will pick ten ladies on thirty, right?"

Nalipat sa kanya ang atensyon ng dalawa.

"Voluptous, kailangan makuha tayong tatlo." Lawrence fired up.

"Err... alam niyo bang makakasama natin si Graciella?" Jessica said, she was busy checking her phone. Ipinakita nito ang Twitter ni Graciella. Naka-post doon kung ano ang activity nito in future.

Naiiling niyang dinampot ang tubig niya. Hindi niya kasi inaasahang magiging matabil ang dila nito dahil noong siya si Vika, sobrang keme ng babae at takot sa kanya. Tapos malalaman niyang sinabi nito kay Winona na may relasyon sila ni Malik.

"Sa totoo lang hindi ko iniisip ang ibang tao. Ang gusto ko, tayong tatlo ay makuha." Si Lawrence, biglang naging seryoso.

"Correct. We are beautiful, let's get it, ladies," Jessica cheered.

Diniretso niyang lunok ang laman ng mineral hanggang sa maubos. Nilapag niya iyon at buong gigil na inapakan. The noise made the two, increased their stamina.

Tinawanan siya ni Jessica dahil doon. "Power, Jyra!"

Lawrence took the empty bottle on her foot and stepped on it as well, "Hintayin niyo kami. We will take the stage of Swizz. Woah!"

Sabay-sabay silang nagtawanan dahil doon. Mariin niyang minasdan ang dalawang dalagang ngayon ay tinuturing niyang bagong kaibigan. Perhaps, this small group will be her new circle. Their aim is what her sight too. She hopes they will not end up just like how Winona broke their friendship.