1 Ang Katapusan

"Makinig kang mabuti! Ipangako mo na sa oras na hingin ng pagkakataon susunod ka at isasakatuparan mo ang pinag usapan natin. Walang pag aalinlangan gagawin mo ito nang bulag at isasantabi ang pananaw mo kung sa tama ba ito o mali" - Iyon ang huling sinabi ko sa kanya sampung taon na ang nakaraan bago ang araw na ito.

Hindi ko rin inasahan na talagang darating pa ang bwisit na pagkakataon na to. Isang biro lang naman yun ng isang malungkot na binata sa isang batang dalaga. Siguro ay talagang nakatakdang mangyari ito. Hayy marami pa akong gustong gawin ngunit hindi na maaaari. Paalam sayo munting...

"Putanginaka! Ano! Hindi mo na ko nirerespeto ah!" Normal na araw lang sana ito. Magigising ako sa umaga sa nag aaway kong mga magulang. Hanggang... narinig ko ang isang pamilyar na tunog.

"Tik!" Tsinelas ba yun na lumagitik habang naglalakad? Hindi, ko mawari dahil sa lakas ng ugong ng Elektric Fan sa aking kwarto. nag biglang naalala ko ang panaginip ko. Dagli dagli akong bumaba mula sa ikalawang palapag ng aming bahay, Hindi ko maalala kung saan ako dumaan, namalayan ko na lang nasa harap na ako ng dalawang nag aaway. Nakataas ang kamao ng aking galit na galit na ama na may nanlilisik na mata. Pakiramdam ko'y tumangkad ako sa mga oras na iyon, Naka tungo ako sa aking ama at kalmado kong binanggit "Sinaktan mo ang aking ina?"

Pasigaw nyang sinagot ang aking tanong at akmang susuntukin ulit ang aking ina. Sa mga oras na iyon, naramdaman kong mabilis na umurong ang aking katawan hanggang ako naman ang nakatingala sa kanya. Inabot ko ang kanyang nakataas na kamay at sinubukang pigilan ang di kanais nais na magaganap. Ngunit mahina ako, Isang saglit na sumagi sa isip ko, "babaliin ko ba itong hawak ko? Matagal ko nang gustong gawin ito, at matagal na ring dapat nangyari ito".

Putang ina naubos ang oras ko sa kakaisip ng kung anong dapat kong gawin. Sa halip bagkos akong napatilapol nang subukan kong itumba sa pagkakatayo ang aking ama at pareho kaming natumba. At muli, tumigil saglit ang oras. Ini imahe ko sa aking isip ang aking sunod na gagawin. Ii-ikot ko sa likod ang kanyang kamay, iipitin ko ng aking kanang paa ang nakaliko nyang mga tuhod at ilulugmok sa lupa at babanggiting: "Gusto mo pa bang maulit ito o tatanggapin mong nagkakamali ka sa mga ginagawa mo ngayon?"

Pero isa lamang iyong imahinasyon, Nang bumalik ako sa diwa ko, nakatutok ang kanyang nampagkaka bahong paa sa aking mukha. Agad akong nakaiwas ngunit kapalit non ay ang tuluyang pagkawala ng aking balanse. Hindi ko dapat bitiwan ang mga kamay na hawak ko dahil sigurado ako kung ano ang kasunod na mang yayari -- mas maraming masasaktan. Lalong sumikip ang dugo sa ulo ko nang marinig kong tinawag ng aking ina ang iba ko pang mga kapatid.

"Uriel!" sigaw ng aking inang kapos na kapos sa pag hinga.

Ito na nga at dumating ang ikinababahala ko, pinagkalas kami ng aking kapatid at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay ang aking ama. Nang mga sandaling iyon alam ko na ang sunod na mangyayari at saan sya pupunta at ano ang kanyang pakay. Ginugol ko ang ilang segundo pang natitira ng buhay ko sa pag condisyon sa sarili ko sa hindi na maiiwasang katapusan.

Sa nag didilim kong paningin, unti unting bumalik ang liwanag at nakita ko ang aking ama, Isang .45 caliber na baril ang nasa kanang kamay nya habang hinihila syang pabalik ng aking kapatid sa damit. bukod pa ang tatlong magazine ng bala ang nakapaloob sa kanyang bag na nakasakbit sa bewang. Kasunod ang muling pag dilim ng aking paningin at muling panandaliang pag hinto ng oras.

Nasusuka ako sa ideya ng kamatayan. Hindi katanggap tanggap ito, dito na ba ako matatapos? gusto ko pang mag asawa, at ito, ang mga posibilidad ng eksenang ito ang isa sa pumipigil sa akin. Kailangan kong maging malakas para protektahan ang aking mabubuong pamilya ngunit sarili kong buhay hindi ko maipaglaban. Mamamatay ako at ang nakakatawa ay mula sa kamay ng taong nagbigay sa akin ng buhay. Sandali, kailangan ba na maging dahilan yun para bigyan sya ng kapangyarihan na bawiin ito? hindi ako papayag.

Bumalik ang liwanag sa aking mata. Hindi ko inalis ang tingin ko sa dulo ng baril at sa daliring naka hawak sa gatilyo. Tatlong piye lamang ang distansya namin at base sa anggulo ng baril, walang dudang sa kaliwang dibdib ko tatama ang bala. Parang computer na naka overclock ang takbo ng isip ko, Lahat ng kuryente ay kinain ng processor, hanggang walang matira para sa display... Napakaraming sabay sabay na kalkulasyon ang aking ginagawa habang iniisip ko ang mga susunod na hakbang at mangyayari.

Ano ba ang probabilidad ma makaligtas ako dito, Puso, Baga, Atay.. Tama, atay ang tatamaan, hindi pwede sa puso dahil mamamatay ako pag doon, may nakaligtas na ba sa nabutas na baga? hindi ko alam... ano nga ba.. wala, sigurado na ang katapusan ko.

Pero muling sumagi ang liwanag sa aking paningin nakalapat na ang aking kamay sa baril na hindi ko mawari kung bakit bigla na lang pumapabor sa akin. Pero tulad ng mga nakaraang pagkakataon, sa twing magbabalik ako sa mundong ito, mula sa aking mundo ay biglang may disaster sa mga pangyayari. Hinagip ng kapatid ko ang baril. Imposible na to... hindi ko na matatanggal ang magazine at maikakasa upang maialis ang natirang bala sa loob tulad ng aking pinaplano.

Muli ay bumalik sa loob ng bahay ang aking ama, pag balik ay may dalang tatlong gulok. Isang gulok panabas, at dalawang gulok na tuwid.

Bwisit na buhay to! ano ba talaga, mamamatay ba talaga ako o makaliligtas? Pukiningnginang yan dapat binali ko na ang buto nyan kanina! Pangako ikukuha ko yan ng tagapag alaga, seksing babae kung gusto nya, mag pa hindot sya araw at gabi magkaroon lang kami ng payapang at ligtas na buhay.

avataravatar