1 Mystify Academy: Tale of the Phoenix Psychic

🔮Prologue🔮

Ang Mystify Academy ay ang pinaka-kilalang esk'welahan na tumatanggap ng mga nilalang na may pambihirang kakayahan. Kabilang sa mga nag-aaral dito ay ang Vampires, Telekinetic, Guardians, Shadow masters, Werewolves at marami pang iba. Layunin nila na tulungan ang mga estudyante na hubugin, palakasin at sanayin ang sarili sa pag-gamit ng kanilang kapangyarihan sa tamang paraan.

Pero...

May'rong mga nilalang na kung ituring ay higit pa sa lahat ng mga nilalang na nabanggit. Bawat henerasyon ay may indibidwal na isinisilang na siyang humahawak ng espesyal na uri ng kapangyarihan: Isang kapangyarihan na may kakayahan na kontrolin at baliktarin ang pamamaraan ng mundo.

Kapangyarihan na kayang baguhin ang nakaraan, kasalukuyan at ang hinaharap.

avataravatar
Next chapter