4 Chapter Three: Hunting

Chapter Three: Hunting

"From now on, this will be your room. You have one roommate na makakasama mo for the meantime." She smiled and here I am, confusingly looking at her.

"Maybe confusing pa sayo ang rules and guidelines of this school but you'll get used to it. Good thing din that you came today dahil bukas na bukas rin ay mag sisimula na ang iyong first day sa Academy. As of now, you need rest to digest all of the information that we might announce tomorrow, your roommate is a reliable one so you can ask her for some questions. So ano? Maiwan na ba kita?" Mahinahong tanong niya kaya tumango nalang ako bilang sagot sa kanya.

Iniwan na niya ako matapos niya ipaliwanag ang ibang bagay na dapat ko malaman. Ngayon ay nasa harap na ako ng temporary dorm ko. I was about to rotate the doorknob ng kusa na itong magbukas at bumugad sa akin ang isang babae na may maigsing buhok at naka blue headband ngunit napaatras nalang ako ng makita ko ang muka niya, mayroon nakalagay na white sheet rito.

"Ikaw ba yung roommate ko?" masaya niyang tanong sakin at tumango-tango nalang ako habang hawak hawak ko ang bagpack sa harap ko. "Oh? Pasok ka dali dali!" at huli na ng maramdaman ko na hila-hila na niya ako papasok sa loob ng kwartong ito. Sya na rin ang nagpasok ng maleta ko na nasa labas ng pinto.

"Nakausap ko na rin ang Headmistress at sinabi nga niyang ikaw ang pansamantalang roommate ko habang hindi pa nakakabuo ng team." Patuloy niyang kwento habang hinihila niya ang maleta ko papasok, tinulungan ko nalang s'yang gawin iyon. I roam my eyes around the room. Napaka simple lang ng kwartong ito.

May dalawang malaking kama na nasa gitna and a bedside table na pinapatungan ng dalawang lampshade, mayron ding salamin across the room at sa tabi nito ay malaking Led TV. This room has a plain-vanilla wallpaper. It's looked like a simple boarding house but they have mention earlier na temporary lang 'to para sa gabing ito.

"Eto ang pwesto mo, ito naman ang sakin. Ayoko kasing malapit sa bintana eh." Turo niya sa kama na malapit sa bintana. Inilapag ko rito ang bagpack na dala-dala ko at doon naupo.

Matapos ay tsaka ako tumingin sa kanya. "Ano yang nasa mukha mo?" Tinuro ko ang nasa muka niya at nagtaas lang sya ng kilay.

"Ito ba? Ahh beauty skin care routine ko kada gabi. Nagulat ba kita? Pasensya na huh." natatawa niya pang sabi na tinanguan ko nalang. Tinanggal na niya ang mask sa muka niya at nagpaalam na maghihilamos lang sa cr na nasa loob lang din ng dorm nato. Nilingon ko naman ang isang pinto kung saan s'ya pumasok, that must be the comfort room.

Kinuha ko na ang maleta ko at naglakad palapit ulit sa kama ko. I look outside the window at kita ko parin ang mga sinasabi nilang Ghoul guard na nagbabantay sa buong paligid. I have no idea on what should I do now, lalo na ngayong wala si Aunt Faye para iguide ako. Ever since naging ulila ako, sya na ang kasa-kasama ko that's why I feel empty ng hindi ko na sya kasama.

"Maliligo ka ba?" narinig kong may nagsalita at nilingon ko ito. Nakapusod na ang buhok niyang maigsi at kitang kita ko na ang buong features ng mukha niya. She has a small eye at matangos na ilong and a neutral skin color that highlighted her long eyelashes. I don't know why I always love to describe people but I think that is just my way to recognize them.

Tumango lang ako sa kanya at kumuha na sa luggage ko ng damit pamalit. "Ang tahimik mo ah." She said ng hindi ko sya nililingon. "Oo nga pala, ako nga pala si Sharamina, pero Shara nalang ang itawag mo sa'kin." Inialok niya ang kamay niya sa harap ko habang ako ay nakaupo parin kaharap ang luggage ko. Tinignan ko siya at ngiti ang sinalubong niya sakin kaya inabot ko nalang ang kamay niya at nakipag shakehands dito.

"Selene." Pakilala ko.

"Ang ganda ng name mo ah, Selene." Ulit niya pa rito.

"Matanong nga kita, anong nilalang ka?" Wala sa sarili kong tanong ng makatayo na ako at bitbit ang damit pamalit ko. "Huh? Nilalang?" She asked in confusion.

"Hindi ba for peculiar people lang ang school na to? That is what I heard so kung pang mga abnormal at puro kakaiba lang ang school na to, then what makes you special?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy sa tanong ko at narinig ko nalang na tumawa sya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Naramdaman ko nalang ang kamay niya na humawak sa balikat ko habang tumatawa padin. "Grabe ka naman sa Abnormal, hindi naman tayo ga'nun. Sadyang pinanganak lang tayo na iba sa lahat." Paliwanag niya ng mahimasmasan na siya sa kakatawa. "At para sagutin ang tanong mo, may kakaibang kakayahan ako sa paningin at pandinig." Sagot niya sakin sabay turo nito sa mata at tenga niya

"Sight and hearing?"

Tumango siya sakin. "Yup, kaya kong makita ang mga bagay ng malayuan. Kaya ko ding gawing X-ray vision ang mga mata ko at kaya ko ring makarinig ng malayo pero sa ngayon. Yun ang prinapractice ko palang gawin. Ang makarinig sa malayo kaya nandito rin ako sa Academy, para sanayin ang mga kakayahan ko na yun, eh ikaw?" Ako? Ano bang kakayahan meron ako? Maliban sa matakaw ako kumain, eh wala na akong kayang gawin.

Umiling lang ako sa kanya. "Hindi ko alam?" hindi ko siguradong sagot sa kanya at tinaasan lang niya ako ng isang kilay niya. "Hindi mo alam ang peculiarity mo?" tanong niya rin sakin kaya tumango-tango ako.

Umusog s'ya ng konti at nilagay niya ang isang kamay niya sa kanyang baba habang nag-iisip. "Nakakapanibago ah, paanong nangyari na nasa Mystify ka nag aaral pero wala kang kakayahang taglay?" yun din ang tanong ko sa sarili ko pero hindi ko na binalak na isagot sa kanya 'yun. "Maliban nalang kung hindi pa nabubuo ang kakayahan mo. Baka ang dahilan kaya ka nandito ay para malaman mo ang kakayahan mo. Tama, yun nga!"

"Anong ibig mong sabihin? Na may kakayahan din ako or something magic thingy?"

"Syempre, hindi ka naman tatanggapin sa Mystify kung wala diba. Oo nga pala, importante ang araw bukas. Bukas na din malalaman kung anong team at teammates ang makakasama natin sa buong taon natin sa Academy kaya magpalit ka na at matulog na." Naramdaman ko nalang ang kamay niya sa likod ko na itinulak ako papasok ng banyo. Hindi na ako nakaangal dahil isinara na niya mismo ang pinto.

Wala na akong nagawa at ginawa nalang ang dapat gawin sa loob ng Cr. I took a half bath at buti nalang may maliit na bathtub sa restroom na to kaya ibinabad ko ang sarili ko rito at nilubog. I find it relaxing when I always did this.

Bumagabag muli sa akin ang isipan na nandito na ako at ang rason kung bakit ako naririto. Ibig sabihin ba nito ay totoo ang nakita ko mula sa shop at sa headmistress kanina? Maaari bang may mundo ng mga magic o kakaibang tao? Ibig sabihin rin ba nito ay totoo ang mga storyang ikinukwento sa akin ni Auntie noon?

Muli kong ipinikit ang mga mata ko at tumatatak sakin ang nangyari Ten years ago. The way Mom and Dad bid their goodbyes to me. I saw how my Mom protected me, I saw how she did her best to protect me and hide me in a safe place while Dad did the same thing.

I don't fully remember everything but only a pinch of memory. Naalala ko ang isang nilalang na gusto akong patayin. They wore a black coat and they can make spells and do evil stuff. I don't remember exactly what happened that day, all of my visions were filled of fire and words of chanting that I never heard in my entire life.

"Selene, always remember that you are our precious and special girl. Always protect yourself and when the time comes, you will know who you really are." Those are the last words that my Mom told me, I still remember every word, I still could hear her voice.

Is this what she meant? Ang mapunta ako sa lugar na to? Then why? Ano ba talaga ako? Ano ba ang meron sa akin? I drowned myself as I let my tears fell on me. Kahit naka lubog na ako sa tubig ay alam ko ang sakit na hinding-hindi ko maitatago. I wanna know why. I wanna know what am I.

❇️❇️❇️

"Selene gising!" naramdaman ko nalang ang mga kamay na tumutulak at yumuyugyog sa akin. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sakin ang pamilyar na muka. "Tumunog na ang School Siren at kailangan na tayo sa field ng..." she looked at her watch. "...7 am. Mag ayos ka na." At mabilis syang umalis sa tabi ko at pumasok sa banyo.

Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko at umupo mula sa pagkakahiga ko. Saglit akong tumingin sa bintanang katabi ko and there I saw the sun shining at me. Iniharang ko pa ang mga kamay ko dahil sa silaw ng liwanag. "Nasaan ako?" walang wisyo kong tanong sa sarili ko.

Nag-inat ako pagkatayo ko at mabilis na inikot ng mata ko ang kabuuan ng lugar kung nasaan ako at doon lang pumasok sa akin kung nasaan nga ba ako.

I am at the Mystify Academy, I thought everything was just a dream but I guess dreams do really come true? Well, this isn't my dream! Anyway, I have no choice but to live in this unpredictable, mystery world that I am living in.

Lumapit kaagad ako sa salamin na nasa harap ko at inayos ang buhok kong gumulo dahil sa pagkakatulog ko at tsaka ako dumiretso sa bintana para hawiin ng maigi ang nakaharang na kurtina.

Bumungad kaagad sa akin ang sinag ng araw at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. There are a lot of little people with wings that are flying outside of my window. Napaurong ako sa gulat ng makita sila. They are so tiny and they are approaching me.

I winded it and there I saw a lot of pixies or what they called-fairies. Am I hallucinating? I rubbed my eyes two times at baka epekto lang 'to ng kakagising ko lang but it didn't disappear. They are talking in small voices and I can't barely hear them, they also have this sparkling thing that surrounds them na parang pixie dust tulad ng napapanuod ko sa Peter Pan.

I sat at my bed while staring at the window for a while, my attention was immediately shifted when I heard the bathroom's door open and release Shara. "Hindi ka pa ba mag-aayos? Ayoko malate huh." Turo niya sakin at lumapit na sya sa salamin at nagsimulang ayusin ang sarili.

Kumunot ang noo kong tumingin sa kanya. She wore a blue short cloak with hood. "Malamig ba dito at naka jacket ka?" takang tanong ko sa kanya kaya lumingon agad s'ya sakin sabay taas nito ng isang kilay sa'kin.

"Hindi pero dahil importante ang araw na'to, gusto ko lang mag suot ng ganito. Isa pa, sa labas ng academy, hindi natin masasabi ang mga pwedeng mangyari or klima na mararanasan natin?" Anong ibig sabihin niya dun?

"Ipapaliwanag ko nalang sayo mamaya lahat, sa ngayon ay maligo ka na at mag-ayos. Bilis." Naramdaman ko nalang ang kamay niya na hinihila na ako papasok sa loob ng banyo kahit nag proprotesta akong kukuha muna ako ng damit. Siya na rin ang nagpresintang kumuha ng damit na isusuot ko.

We're not that close but she acted like she has known me for years and never as in never in my life that I let anyone touches my clothes but here I am, letting her do it. Wala na akong nagawa at mabilis akong naligo at binabad ang sarili ko sa bath tub. I called her to pick up my luggage dahil ako na ang pipili ng damit ko kahit nasa banyo ako ng matapos ako

"Here kinuha ko sa luggage mo." Abot niya sakin ng white sweatshirt ko at brown pants. "Ang gaganda ng mga damit mo ah, mahilig ka siguro sa fashion?" mabilis na kinuha ko sa kanya ang damit ko habang naka bathrobe pa ako. So, she did touch my things. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pumasok na ulit ako sa loob para magbihis. Lumabas na rin ako kaagad ng matapos ako.

I found her doing her make up but she stopped and looked at me. "Alam mo, may taglay na ganda ka rin eh noh?" Wala sa sariling sabi ng babae na nasa tabi ko habang ang kamay niya ay nasa ibaba ng baba niya at tinignan ako simula ulo hanggang paa. She circled around me na parang ini-inspect niya ang buong pagkatao ko. "Feeling ko anak ka ng goddess nuh? Para bang demi-god ka ganun?"

Tinaasan ko sya ng kilay sa mga sinasabi niya. "Demi-gods? You mean the Olympus gods?" tumingin sya sakin at tumango tango lang. Is she even joking? "Oo, anak ba nila Athena or Zeus or Poseidon or kung sino man sa mga gods." Seryoso pa niyang sabi but I just laughed at her because her idea is insane. I don't know if it was a compliment or what.

I shrug her idea at nagsimula nang maglakad palabas ng room but I heard her called me kaya agad ako napalingon at nagulat nalang ako ng may ihagis s'ya sakin.

I looked at it. "Bow and Arrow?" kunot noong tanong ko sa kanya habang hawak-hawaka ng isang pana. Mabilis na nag-angat ang paningin ko sa kanya. "Nakita ko sa bag mo, may note pa nga oh. Tingin ko 'yan ang personal weapon mo."

"Personal weapon?"

Dahan-dahan siyang lumapit sakin at nagpameywang sa harap ko. "Seryoso ka ba talaga na wala kang alam sa nangyayari? Ni isa wala kang idea?" She even motionS her hand through her head. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot.

"Lahat tayo sa paaralan na 'to ay peculiar's kung tawagin, ibig sabihin..."

"I know what peculiar is, all I wanna know is the reason of this bow and arrow..." I pointed at the thing that was in my hand. "...And this weapon thing."

"Wow english pero naiintindihan kita. Sa madaling salita, bawat estud'yante ay may kanya-kanyang weapon kung tawagin, maliban sa kakayahan na tinataglay ng bawat isa. Sa madaling salita, may'ron din tayong alternative defense at iyan 'yun. " Turo niya sa hawak ko. "May sari-sarili tayong weapon, sari-sariling identity bilang isang mabangis na kagamitan."

Identity as a weapon ba ang gusto n'ya iparating? "Ano naman ag weapon mo?" Takang tanong ko rito pero lumapit lang siya sakin at tinapik ako sa balikat.

"Makikita mo rin mamaya." Nakangising sagot niya sakin. Mas lalong naguguluhan at nangangamba ako sa mundong ginagalawan ko. "Tara na?" Aya niya sakin at kasabay noon ang pagtunog ng buong paligid na parang may purge na nagaganap sa buong lugar na'to.

Nang makalabas kami ay mas nagulat ako ng makita ko na marami na kaagad ang nasa hallway at lumalabas na ng kani-kanilang dorm at halos mamangha ako ng makita ko ang ilan sa kanila na gumagawa ng magic. Different kinds of tricks. Hindi naman ako nag-dedelusional, hindi ba?

I literally gape when I saw some people trying to change their appearances as centaurus and many more. I also saw someone who has a wing at kung ano-ano pang creatures. "Hindi lang yan ang makikita mo." She raises her mouth and gave me a sly smile.

What on earth is going on? Ano itong mga nakikita ko? Nasaan ba ko talaga? Nasa fairytale ba ako? I lightly slapped my face to wake myself up from this dream but it stopped ng may humawak sa kamay ko. "Masasanay ka din." Ngiti lang niya sakin at hinila na ako.

Dinala niya ako sa field ng school na to kung saan marami na ring students ang naroroon. Mula sa pwesto ko ay mas kitang-kita ko ang mga kakaibang students na gumagawa ng iba't ibang bagay tulad ng paglipad sa ere, mga taong kayang magpagalaw ng kung ano-ano at iba pa na sobrang nakakabigla para sakin.

"Students of Mystify, please do fall in line." Nanggaling ang tunog na iyon sa isa sa mga mic speaker na nakakabit sa itaas ng mga buildings dito.

Dahil sa sobrang daming tao, naramdaman ko nalang na biglang napabitaw sa akin si Shara. "Selene!" tawag niya sakin kaya pilit ko inabot ang kamay niya pero natabunan na kami ng mga tao. Mas lalo akong kinabahan dahil wala naman akong alam sa school na'to at mas lalong wala akong kilala ni isa dito. Nangangapa palang ako then maliligaw ako?

Pinilit kong inilinga-linga ang ulo ko para mahanap ko s'ya. Sad to say at hindi ako gan'un ka tangkad para madali s'yang mahanap. "Shara?" sigaw ko sa maraming tao na nag fo-form na ng line. Bakit ba kasi nasa gitna kami ng crowd tumayo?

Pinilit parin siya hanapin ng paningin ko ng may biglang humawak sa kamay ko kaya mabilis akong napalingon rito. "Here you are." Nakita ko kaagad ang mukha ni Shara na nakangiti. "Thank goodness at nandito ka na, I don't know what to do kapag wala ka." Kalmado ko nang sabi sa kanya.

Nakita ko nalang siyang tumingin sa akin at bigla akong kinindatan sabay hawak sa kamay ko na para bang pinaglalaruan niya ang mga ito. I arc my eyebrow as I looks at her. What's her problem? "You are so mesmerizing specially looking at you this close." She complimented at bigla nalang lumapit ang mukha niya sakin kaya napaatras naman ako sa ginawa niya.

"Selene! Andi-Anong nangyayari?!" may tumawag sa pangalan ko at mas naguluhan ako ng makita ko si Shara na nakatayo malayo sa akin. What? Dahan-dahan s'yang lumapit sa akin at inagaw ang kamay ko sa isang Shara na nasa harap ko.

Tumingin na din ako sa Shara-ng nasa gilid ko bag ako tumingin sa isa pang Shara na nasa harap ko and I feel dizzy just by looking at the two of them. Does she have a twin sister?

"Tumigil ka na nga Blade!" Sigaw ng Shara na humila sakin mula sa Shara na nasa harap ko ngayon. "What a bummer Shara, you are no fun." She said in a disappointment at sinamaan naman siya ng tingin ng Shara na may hawak na ulit ng kamay ko. I'm so confuse right now.

"Is she your twin sister?" takang tanong ko but she shrugged. "Hindi, and he is not a she." Mas lalo akong naguluhan sa kanya at tumingin ako sa Shara na nasa harap ko, she winked at me and in a second ay parang binalatan ang buong katawan niya at nagbago s'ya ng anyo.

A man now standing in front of me with his raven hair, long pointed nose and a neutral white skin. He raises his mouth and form a smirk while looking at me and Shara. What did I just saw? Isang shape shifter? "I'm Blade, nice to meet you." He offered his hand and I don't have an intention to accept it.

Nakita ko nalang na humarang na sa harap ko si Shara habang nakatingin sa Blade na'to na nagpanggap na si Shara kani-kanina lang.

"Manahimik ka Blade, at kailan ka pa lumapit sa mga kaibigan ko?" asar na tanong nito sa kanya pero lumapit lang ito sa kanya at inakbayan s'ya pero mabilis lang din niya iyon tinanggal. "Oh, come on Sharamina, don't you miss me?" he tried to pinch her face but she just punches him at his shoulder and that made him flinched.

"Oh, stop being mad at me my baby cousin, I just wanted to know who's this beautiful girl you are hanging out with." He said it while taking a gazed at me and winked. Oh, it gives me goosebumps.

"Tumigil ka nga Blade. Halika na nga Selene." Naramdaman ko nalang na hinila na ako palayo ni Shara sa kanya but I heard him said my name under his breath bago kami tuluyang makalayo at magpunta sa unahan ng crowd kung saan pumila kami.

"He is your cousin?" tumango lang sya sakin. "Then pano niya nagagawang gayahin ka?" nagbuntong hininga muna s'ya bago humarap ulit sakin at binitawan na ang kamay ko ng naka pwesto na kami para sa line formation.

"Isa siyang Shapeshifter, 'yun ang peculiarity niya. Ang manggaya ng iba pero sa ngayon ay limited palang ang kaya niya at isa rin siyang playboy kaya wag kang magdidi-dikit sa kanya." She scoffed while giving me a warning look. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at tumingin na sa unahan ng field na ito kung saan may malaking stage sa harap.

Every student has their own businesses at nawala iyon ng may maglakad sa unahan ng stage and she is wearing a blue-black coat. Everyone stop and stare at her, she removes the hood of her cloak and there, I saw the Headmistress looking at us.

Ibang-iba ang aura niya ngayon kumpara sa pagkakakilala ko sa kanya kagabi. She has this ferocious look and no emotion eyes. Some men were standing beside her at parang may isang malaking kulto siyang binubuo sa likuran niya. Two of the men went to her and helped her remove the cloak.

"Good Morning new Students of Mystify." She greeted at ganun din ang ginawa ng karamihan kaya sinundan ko lang sila. "I welcome you to Mystify not for you to just learn but also to prove that you are worthy of the gift's that was given to all of you. Today is your first day as a Mystify student or so what we called here- Peculiars. Presently, we will be having your first mission as a student of the Mystify Academy." She announced while looking at the crowd. Nakarinig naman ako ng bulungan ng mga estud'yante at mabilis din silang natahimik ng magsalita muli ang Headmistress.

"As you can see." At may tinuro siya sa unahan niya at lumabas roon ang isang malaking screen kung saan may iba't-ibang chess pieces na nakadisplay. "There is a Ten different chess pieces here, your goal is to get one of the pieces that are scattered outside the Academy and after you get one, a portal will appear in front of you and will lead you to your new and permanent team." Tumango-tango naman ang karamihan at ngumiti pa ng marinig nilang ganun lang kadali ang mission na ibinigay ng Headmistress. At heto ako, gulong-gulo sa lahat ng nangyayari.

Wala akong ideya na ito ang gagawin namin para sa unang araw ko rito. Usually, everything started from welcoming the students and saying some encouragement words but now? This is different. Maybe that's why I am in this kind of school. Am I different?

"But it is not as easy as you think." Napatigil ang lahat at tumingin ulit sa Headmistress. She gave a nifty smile to everyone and I can tell right now that it creeps me out, as if she was thinking something mischievous.

"May mga mae-encounter kayong mga creatures na hindi belong sa Academy, they were vicious and the atmosphere of menace will be all over the place while you are hunting for the chess pieces but don't worry, you could use your peculiarity to keep yourself safe and for those you still haven't found their peculiarities? Well, Goodluck."

Nakangisi niyang sabi at mas lalo lang 'to nagpagulo sa isip ko. What does she mean? Hahayaan niya kaming mag hanap ng mga useless pieces na yan sa gitna ng kagubatan na 'to habang may mga dangerous creatures na pagala-gala and yung mga walang peculiarities, bahala na? Am I joke to them?

Lumingon ako banda sa likuran ko kung saan nandun ang malaking gate palabas at papasok ng Academy na to at nakita ko kung gaano kagubat at mapuno' ang labas.

Hindi ko na tuluyang napakinggan ang ibang details na sinabi ng Headmistress because I'm pre-occupied sa idea na isusugal namin ang buhay namin para lang sa isang piraso ng chess pieces. "Now open the gate." Utos niya at nagsilingunan naman ang lahat patalikod ng dahan-dahang binuksan ng mga Ghoul guards ang malaking gate.

I looked at Shara and she genuinely smiled at me. I saw that she offered her hand and I took it.

"Let the hunting begin."

avataravatar
Next chapter