2 Chapter One: Mystify Academy

CHAPTER ONE: Mystify Academy

"Your chocolate chip cream Ms. Selene." Abot sa akin ni Nicole ng inumin ko. I muttered 'Thank You' at her and she smiled back at me before going back to the counter.

It was already in the middle of the night and here I am at our coffee shop that me and my Aunt manage. I have nowhere to go since I'm kinda bored at my place, after all, I need a little fresh air outside the mansion and a little sip of my favorite drink.

"Selene, are you even listening?" Bumalik ang diwa ko sa screen na nasa harap ko ng muling magsalita si Aunt Faye. She was at the mansion right now and was worried about me every time I go out late so video chatting is one of our common things.

"Yes, Aunt. Ano nga po pala 'yun?" Tanong ko ulit sa kanya sabay ngiwi ko at napansin ko nalang ang pag-ikot ng mata nitong tinignan ako muli sa kabilang linya.

"Ang sabi ko umuwi ka na bago mag 11 at siguraduhin mo na ibabalik mo ang susi ng motor mo sa'kin pagkadating mo." Mabilis akong napatingin sa motor ko na nasa labas lang ng shop na'to.

Did I say that I was on my grounded state wherein going outside the mansion and leaving in the middle of the night is my prohibited actions? Hindi ko na maalala ang simula ng pagiging grounded ko pero dahil du'n, ay heto ako ngayon.

"Babalik din ako, uubusin ko lang 'to." Pakita ko sa kanya sa screen ng iniinom kong frappe.

"You better make sure Selene or else, I will cut your weekly allowances." Pananakot ni Tita sakin sabay duro pa nito sa screen. Kahit na malayo s'ya sakin ay ramdam ko ang pagiging strikta nito.

I no longer have parents or should I say, they already died. Like a typical Disney stories where parents are ceasing to exist. That's my memory since I was a child that's why my Aunt became my guardian after that.

"And make sure na dala mo rin ang Strawberry Frappe ko." Nguso nitong sabi sa akin kaya napailing nalang ako at napangiti dahil sa inaakto ni Tita. "Yes, po madam." Sarcastic na sagot ko sa kanya habang nakangiti at napapailing nalang. Kahit ganyan si Tita sa'kin, I still love her and always will. Katulad nga ng lagi niyang sinasabi sa'kin. She only does these things cause she love and wanted to protect me.

"Hey waitress! Asan na yung order ko?" Nabaling ang tingin ko sa isang matinis na babae na s'yang sumigaw dito sa coffee shop. Kakaunting tao nalang ang naririto kaya mabilis siyang nahagip ng mata ko. Not to be a judge but she looked like those feeling sophisticated woman who thinks she own half of the employee salary as she shouts on them. I already disliked her.

"Eto na po Ma'am." Mabilis na lumapit naman sa gawi niya si Nicole dala-dala ang inumin niya, inilapag nito sa lamesa ng babaeng sumisigaw ang inumin niya. Mabilis na kinuha naman ng babaeng iyon ang inumin niya at ininom pa 'to habang nakatingin si Nicole.

Napayuko naman si Nicole rito at tsaka tumalikod pero hindi pa man siya nakakahakbang ng muling magsalita ang babaeng antipatiko. "Ano 'to huh? Ang sabi ko Cappuccino? Mukha bang cappuccino 'to huh?"

"Ah Ma'am cappucci..." My mouth gaped when the woman suddenly throws her drinks at Nicole. She didn't even have a chance to finish her words!

Pati ang mangilan-ngilan sa shop ay napatingin na rin sa kanila. Ano bang ginagawa ng babaeng 'to? Nababaliw na ba siya?

"At sasagot ka pa huh? Bastos ka ba?" Sigaw nito kay Nicole na siyang nakapikit na sa takot at hindi alam ang gagawin. Her hands were shaking as she clasps it together in her front.

"Selene? Anong nangyayari diyan? Ano yung ingay na'yan?" Tanong ni Auntie mula sa kabilang line.

"I'll call you back." I told her and she's about to speak something when I already ended the call. Hindi ko na kaya ang nakikita kong 'to kaya napatayo nalang ako sa kinauupuan ko.

"Asan na'yung manager niyo? Gusto ko makita." Sigaw niya pa kay Nicole. I am ready to fight her when I suddenly saw the cup moving on itself. Napatigil ako dahil roon. Anong nangyayari?

"Asan na ang man...ah!" We all heard a squeal from the woman as she was startled from the broken glass next to her. Paanong nangyari na kusang nahulog ang basong 'yon kung nasa gitnang banda ng lamesa iyon. And I saw it with my two eyes! What is that?!

"Ano ba ito! Ba't nabasag 'yung...Ah!" Napasigaw siya ulit ng pumutok malapit sa kanya ang ilaw na nasa itaas ng kinauupuan niya. Para bang napundi ito at sa hindi inaasahan ay natamaan siya ng isang bubog mula sa basag na ilaw.

"Oh my gosh!" Sigaw ng babae sa takot dahil sa sugat na natamo nito. How it happened that those lights exploded for no reason at all and even hit her right in the hand?

"Medics!" Sigaw ng ilang crew. Mabilis akong bumalik sa katinuan ko dahil sa paglapit ng ilang crew sa kanya para gamutin siya. Mabilis akong naglakad pagawi sa kanya para tignan siya at si Nicole na kabang-kaba dahil sa nangyayari.

"Ms. Selene, hindi ko po sinasadya." Nanginginig na sabi nito sakin ng hindi pa man ako nagtatanong dito. Mabilis ko siyang tinapik sa likuran niya.

"It's okay, I know." I smiled at her but the frustration and worries were still plastered on her. Tumingin kaagad ako kay Kenneth na isang crew namin ng lumapit siya sa'min. "Please call the medics, ngayon na." Utos ko sa kanya at siyang tumango naman at iniwan kami pansamantala. Dumating naman ang iba pang crew na s'yang tumingin sa nangyayari. Ang ibang customers naman na naririto pa ay wala ring nagawa kundi panuorin ang pangyayaring 'to.

"Ikaw ba ang manager?" Naiiyak na tanong sa akin ng babae habang hawak-hawak nito ang kamay na may tama ng bubog. Tumango ako sa kanya. "Pamangkin po ng may-ari. Don't worry, we will help you." I assure her kahit na medyo nainis ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Nicole kanina. It's her karma after all but aside from my bad thoughts, I should still help here.

"Hehe." I heard a small chuckle in the background and immediately look for that giggle when I found at the other table a girl smiling. She's wearing a black leather jacket and a ripped jean pants while smiling as she's moving the bread knife in front of her without even touching! What is going on?!

Napatingin din siya sa gawi ko ng may panlalaki ng mata kasabay ng pagbagsak ng maliit na bread knife sa lamesa niya. Mabilis siyang napatayo sa kinauupuan niya at doon ko napansin ang pamilyar na bracelet na suot nito. I know that bracelet, I've seen it before.

Mabilis siyang umalis at pumunta sa back side ng shop at nakita kong pumasok siya sa rest room. I must know what I have just witnessed.

"Ang sakit na. Ano bang kamalasan ang meron ang shop na 'to?" Ngiwi ng babaeng nasugatan. Napatingin ako sa kanya sabay bitaw sa kamay nito. "Ah! Ano bang ginagawa mo huh!" Sigaw nito sa akin pero wala akong panahon para sa kanya. Kailangan ko malaman kung sino ang taong 'yun at ano ang nakita ko.

"Nicole, pakibantayan siya saglit." Utos ko sa kanya na siyang tumango naman. Narinig ko pa ang reklamo ng babae sa'kin bago ako dali-daling pumasok sa loob ng cr ng babae.

"Hello? May tao ba dito?" Tanong ko ng makapasok ako sa loob. There's a sound of silence inside and no trace of anyone in the comfort room but I am perfectly sure of what I have seen. I saw her entering this room.

"Hello?" Tanong ko pero nag-echo lang ang buong boses ko sa CR. Nakarinig ako ng flash mula sa isang cubicle at tsaka naman bumukas ito pero laking disappointment ko ng ibang tao ang lumabas mula rito.

"Miss, may nakita ka bang pumasok dito na nakaitim na jacket at ripped jeans?" Pigil ko sa babaeng lumabas sa cubicle. Nagtakang tumingin siya sakin.

"Wala? Ako lang ang pumasok rito. Nananakot ka ba ate?" Tanong nito sa akin at tsaka ako nilagpasan. But I am one hundred percent sure na dito pumasok 'yung babaeng iyon. Yung babaeng may mahika kanina at sure din ako na siya ang may gawa ng pag-galaw ng baso at biglaang pagsabog ng ilaw kanina.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa mga cubicle na nandito pero wala ni isang tao rito maliban sa'kin. Wala naman ata ako sa horror movie, hindi ba?

"Pero tama ako ng nakita. Nandito lang siya pumasok eh. Hindi ba guni-guni ko lang ang lahat?" I even ask myself in frustration. Tama, baka nag ha-hallucinate na ako lalo na't ramdam ko na ang pagod sa katawan ko, isama pa ang pag inom ko ng frappe sa gantong oras.

Mabilis akong bumalik papunta sa pinto para lumabas at halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng pagbukas ko ng pinto ng Cr ay bumugad sa akin ang babaeng nakita ko kanina na nakatayo na sa labas ng cr.

"Ikaw." I uttered.

"Ano ang nakita mo?" Pumasok siya sa loob dahilan para mapaurong naman ako pabalik. Nagulat ako ng bigla nalang sumara ng kusa ang pinto. Paano nangyari 'yon? "Hindi ka normal na tao, hindi ba?" tanong ulit nito sa akin habang naglalakad sa harap ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko sa kanya.

"You saw what I did." She added as she continuously walk towards me.

"So tama ako ng nakita at hindi guni-guni ang lahat. May-kapang..."

"Only peculiar people can see what I did." she cut me off as she says some words that I don't understand. My brow immediately met at the middle because of what she said. Peculiar? What does she mean? "Mortals and normal people aren't able to see those things for I have guarded my peculiarities from normal peoples and you!" She is pointing at me. "You saw it!"

Mas lalo kong hindi maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Peculiars? guarded? What does she mean? Bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko nalang ang malamig na dingding ng Cr. I am cornered right now.

She is just looking at me while pointing at mabilis na napatingin ako sa kamay nitong may suot ng pulseras. Isang itim na pulseras na pamilyar na pamilyar sa'kin pero bakit hindi ko maalala kung saan ko 'to nakita?

"Ano 'yang suot mo?" Tanong ko sa kanya sabay higit sa kamay nito. "Ano ang simbolong ito?" Tanong ko pa rito pero mabilis niyang hinigit ang kamay niya mula sa akin.

"Ikaw ang tinatanong ko, wag mo balikarin ang usapan." Matalim na sabi nito sa akin. She pinned me in the corner as she put her arm on my side. "Who are you? Are you a peculiar?" She asked again at wala pang ilang segundo ng makarinig kami ng pagbukas ng pinto ng cr at isang tao ang nakatayo roon.

Napalingon ang babaeng nasa harap ko and I heard her cursed. I move my head to see the person at the door but it immediately sprints out of my sight and leave no person in the door right now.

"This is bad." She sounds concern, mabilis siyang lumingon sa gawi ko dahilan para mapatingin kaagad ako sa kanya. "You should go now."

"Huh?"

"Umalis ka na, much better. Go to this place right now. Mukhang hindi mo alam kung ano ka talaga." She handed me something, a paper. "You never knew if your life is at stake." Dagdag nito at tsaka siya mabilis na tumakbo palabas ng cr. What is that and what is happening?!

Tinignan ko ang papel na hawak ko. It's like a card, an invitation. I read the letters that was written on it. "Mystify Academy: School of peculiar kids." What is this? What is this card? What is she or that person before? Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

Mystify? Magical things? It doesn't ring a bell but I saw that bracelet before, I knew I did but I don't remember where. Saan ko nga ba nakita 'yun? Saan nga ba?

"Ms. Selene, nandyan na po 'yung medics." Nicole suddenly appears from the door. That bracelet, I saw it in one of my Aunt's story! Yes, I saw that there!

Mabilis akong tumakbo palabas at tinapik si Nicole. "You're in charge for now." she gave me a confusing look but I don't have time to explain to her anything.

Lumabas kaagad ako sa Cr at nakita ko kaagad ang mga paramedics na pinatawag ko at ang babaeng nasugatan na s'yang nakaupo parin habang umiiyak at hawak-hawak ang kamay nitong nagkasugat.

"Hoy ikaw ang owner diba! Pay for what happened to me!" Iyak nito ng makita ako, I immediately pointed at Nicole. "She's in charge for now, just tell her your concerns Ma'am." Mabilis kong sagot sa kanya at bakas rito ang matinding pagtataka.

I have no time for this kaya mabilis akong lumabas ng shop at sumakay sa motor ko. Binilisan ko kaagad ang takbo ko at dahil gabi na ay walang masyadong sagabal sa daan ko.

Nang makarating ako sa mansion, mabilis na sinalubong ako ng mga tao roon at ibinigay sa isang kasambahay ang helmet ko.

"Grounded ako, paki lagay sa garage." Mabilis kong sabi rito.

"Okay po ma'am." Sagot nito, pumasok kaagad ako sa loob para hanapin ang pakay ko.

"Selene, anong nangyari?" I heard Aunt's asks from the above balcony of second floor but I don't have time to answer her and immediately walk to her office that was located on the east wing.

Binuksan ko kaagad ang pinto ng kwarto ni Auntie kung saan siya nagtratrabaho. Aunt Faye is a journalist and an author and this is where she works. Pumunta kaagad ako sa shelf niya kung saan niya tinatago 'yung mga children's stories na binabasa niya sa'kin 'nung bata pa ako.

"Asan na 'yun? Alam ko dito lang yun." I tried to scan all the books on the shelf to find what I am looking for. "Asan ka na? Asan na?" I threw some of the books on the ground as I extremely scanning everything.

Sa pagkukuha ko ng mga libro, nakita ko ang isang libro na may pamagat na 'peculiars'. Mabilis kong kinuha iyon at tsaka binuklat ang bawat pahina nito. This story was used to read for me by Aunt's Faye.

I scan thoroughly the page and I stopped when I saw the image that I am looking for. The bracelet. same as that girl had.

Muli kong binasa ang buong story ni Aunt. Sinasabi dito na ang mundo ay dating napamumunuan ng mga mortal at makakapangyarihan na tao na kung tawagin ng karamihan ay 'peculiars'. Ang mga peculiars ay normal na namumuhay tulad ng mga taong walang kakayahan. Nanatili ang bagay at konseptong ito sa mahabang panahon ngunit hindi rin nagtagal ay nagbago ito. Ang kakayahan ng bawat peculiars ay pantay-pantay sa lahat ng aspeto ng kakayahan pero nagbago ito ng madiskubre nila ang kakaibang kapangyarihan. Kapangyarihan na siyang pinaka-higit sa lahat.

Ang kapagyarihan na'to ay kayang kontrolin at baguhin ang lahat ng bagay na may'ron sa mundong ibabaw. Higit at sobra-sobra pa sa lahat ang kayang gawin ng kapangyarihan na ito ngunit isang tao lang kada henerasyon ang nabubuhay na may gan'tong kakayahan. Isang tao na kayang pamunuan ang lahat ng kapangyarihan. Kapag namatay ang taong may pinaka malakas na kakayahan sa kanyang panahon, muling maisisilang naman ang susunod na tagapagmana ng nasabing kakayahan.

Sa kabila ng maayos at normal na pamumuhay ng lahat ng may kakayahan at walang kakayahan. Isang takot ang nanatili sa kanila, ang pagkasira ng mundo dahil sa nag-iisang nilalang na kayang kontrolin ang lahat. Isang takot na namayagi sa kanila dahilan para gumawa sila ng himagsikan at patayin ang tagapagmana ng kapangyarihan na iyon sa bawat henerasyon.

At para mapanatili rin ang kaligtasan ng mga taong walang kakayahan, minabuti ng mga taong peculiars na lumayo at itago ang mga kapangyarihan nilang taglay ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil nabuo ang isang paaralan. Paaralan na siyang mag pro-protekta sa bawat nilalang na may taglay na kakaibang kapangyarihan.

Ang paaralan na iyon ay tinatawag na...

"Selene, ano bang ginagawa mo?" Hindi natuloy ang pagbabasa ko ng bumukas kaagad ang pinto kwarto at gulat na gulat na pumasok si Auntie sa loob. "Ano 'tong mga libro na 'to? Bakit nasa sahig huh? Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong nito sakin.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa'kin pero hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. This book, this book was made by my Aunt and the fact that this illustration really exists? with a pinch of magic that I saw? and peculiars? peculiars. Like what my Aunt usually told me when I was young, when I was still in the midst of my fantasy, when I still believe in fairy tales. That I am a peculiar.

"Selene, ano bang..."

"What is peculiar?" Natigilan siya ng magsalita ako. "A...anong sabi mo?" Takang tanong pa nito sa akin.

Iniharap ko sa kanya yung picture na nasa librong hawak ko. "Nakita ko 'to kanina sa isang tao sa shop. May suot siyang gan'to. Iba yung design na nakalagay sa kanya pero pareng-pareho sa picture na 'to na ikaw mismo ang gumawa at hindi lang 'yun, dahil nakita ko siya. Nakita ko siyang gumamit ng magic at sinabi niyang, isa akong peculiar at tugmang-tugma ang bagay na'to sa librong sinulat mo. Ano ba ang nangyayari huh Auntie" Matinding sabi ko sa kanya kasunod ng pagloloko ng ilaw mula sa kwartong 'to at pag-galaw ng gamit sa paligid namin. What is happening?

Aunt Faye looked stun as her mouth formed in shock and look at me. "Anong sabi mo? Nakakita ka ng peculiar?" Tanong nito sa akin.

"Auntie, anong ibig sabihin nito? Na totoo lahat ng kinukwento mo sakin noon? May magic ba huh? Hindi ba't kwentong pambata lang 'yun?"

"Nakakita ka ng peculiar? Ano pang sinabi sayo ng taong 'yun." She looked worried and doesn't looked surprise at all from the word 'magic'. "Anong sinabi sayo ng taong 'yun?! Sino pang nakakita sayo." Naramdaman ko nalang ang mga kamay nitong humawak sa magkabilang braso ko. She is acting weird and worried at the same time. What is happening?

"Bi...binigay niya lang sa'kin 'to." Nanginginig kong sabi sa kanya sabay abot ng papel na natanggap ko. Mabilis niya 'tong kinuha at binasa. "She's from the Academy." She says poorly that I can't even hear.

"Anong ibig sabihin niyan Aunt? Ano ba ang nangyayari huh?"

"May iba pang nakakita sayo? Maliban sa babaeng 'yun?"

I think hardly before I answer her. " May nagbukas kanina ng cr at nakita kaming dalawa ng babaeng kumompronta sakin. Hindi ko nakita kung sino iyon pero base sa itsura ng nagbigay sakin n'yan." Turo ko sa papel sa kamay ni Aunt Faye. "Mukhang hindi maganda iyon."

She quickly shrugged her shoulders down when she heard the last thing I said. She looks bewilder and I don't know the reason. Hinawakan niya ako sa balikat ko kasabay ng ingay na narinig namin mula sa labas ng bahay.

Sabay kaming napalingon sa pinto ng kwartong 'to dahil sa ingay na 'yun. "I have no choice." words keep coming out of her mouth but I still don't understand it.

"Huh? Anong nangyayari sa labas?" I confusedly asks her. Nakaramdam nalang kami ng matinding pagyanig ng lupa dahilan para mapahawak ako kay Auntie.

"Let's go, we need to go now." Hinigit nalang ni Aunt Faye ang kamay ko kahit naguguluhan na ako. "Saglit, ano bang nangyayari? Ano yung ingay mula sa labas?" Pigil ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sa'kin.

Her brown black firming eyes immediately met mine. "You're going to Mystify Academy." Mystify what?!

avataravatar
Next chapter