webnovel

Chapter 2: Frienemy

Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Selena dahil sa mga ingay ng kapit-bahay.

"Sh*t! Hindi ko pa naayos ang mga gamit ko! Tutulungan ko si Clive mamigay ng mga flyers." Naiinis na sabi niya.

Mabili siyang tumayo at dumiretso sa banyo para makaligo na agad. Hindi na siyang nag-abalang kumain at dumiretso na sa kung saan niya noon nakitang namimigay ng flyers si Clive.

Dumating na siya doon at nakita niya ngang namimigay na si Clive ng mga flyers.

Nagtaka ito dahil wala man lang itong sinabi kahit huli na siyang nakarating.

"Hindi ka galit? Wala kang sadabihin?" Pagtatanong nito.

"Wala." Blankong ekspresyong sabi nito.

Bagamat nagtataka at naweweirduhan si Selena, minabuti na lamang niyang mamigay na lang din ng mga flyers para makabawi sa pagkahuli nito.

"Kumain na tayo."

" Mamaya na lang, ubusin ko pa 'to para makabawi saka nahuli na nga ako dumating."

Umalis na si Clive at pumunta sa malapit na convience store.

Pinagpatuloy nga ni Selena ang pamimigay kahit na kumakalam na ang kaniyang sikmura dahil sa hindi ito nakapag-almusal dahil sa pagmamadali.

" Naku! Ang sakit na ng tiyan ko dapat sumabay na ako kay Clive." Sabay hagod sa kaniyang tiyan.

" 'Yon na nga sinabi ko." Sabay abot ng isang bacon and cheese burger.

"AMPOTANGINA!" Gulat niyang sabi dahil hindi niya alam na nakabalik na si Clive.

"Thank you." Malambing na pagpapasalamat niya't sa wakas ay makakain na din siya.

Patuloy pa rin ang pamimigay nila ng mga flyers sa daan hanggang sa may isang babaeng naging interesado sa pinamimigay nila.

" I'm interested about your university." Makikitang may pagkamaarte ito base sa kaniyang pagsasalita.

"Okay, let me bring you to check out our university."

Pumunta na kami sa sasakyan ni Clive. Bakas sa mukha ni Selena ang pagkainis dahil inunahan siya ng babae sa pag-upo sa passenger seat.

" What's wrong?" Pagtatanong ni Clive.

"Kayo na lang muna, susunod na lang ako. Nakalimutan kong ayusin ang mga gamit ko kagabi." Nahihiyang sabi nito.

"Okay, mag-taxi ka na lang papunta dahil muna ang mga gamit mo. You'll be living with me now. Be there at dinner time sharp," usal nito.

Medyo napangiti si Selena sa mga salitang sinabit nito.

Bagamat natuwa siya sa mga narinig niya kanina, naiinis pa rin siya sa inasal ng babae kanina.

Ilang oras ay nakarating na siya sa bahay niya at nakapag-ayos na ng mga gamit.

Bago siya umalis bumaba muna siya at pinuntahan ang may ari ng bahay na inuupahan niya.

" Tao po! Tao po! Aling Rosa?" Sigaw nito.

Bumungad sa kaniya ang isang matandang nay kasiglahan pa.

"O Selena, naparito ka?" Mahinahong sabi ng may-ari ng bahay.

"Ah, maglilipat na nga po pala ako ng gamit ngayong araw. Ito na po yung susi." Kalamadong sabi niya.

"Oo nga pala lilipat ka na, salamat. Mag-ingat ka." Nakangiting sabi ng matanda.

Pagkatapos 'non, nag-abang na sa labas ng bahay si Selena. Mahabang paghihintay ang ginawa nito ngunit wala paring napadaang masasakyan.

Mamaya ay dumating ang kanyang kapit-bahay na si Detective AA.

"Walang talagang dadaan dito dahil sa nangyaring aksidente malapit," sabi nito kay Selena.

"Ah ganoon ba? Maglalakad na lang ako."

"Gaga, sumabay ka na sa akin." Pagbibiro nito.

Ramdam ang pagkailang at pagkatakot ni Selena sa kapitbahay dahil sa nagugustuhan niya ito at namamangha siya sa galing nito bilang isang detective.

"Hey, Elena kamusta ka na?" Pagtatanong nito.

"O-okay lang naman." Naiilang na sagot ni Selena.

Makikita ang pamumula ng mukha ni Selena dahil si Aaron lamang ang tumatawag sa kaniya ng Elena.

Maya-maya'y nakarating na sila sa Mystical University.

"Dito ka na ba lilipat, Elena?"

"Yes, kasi dito na din ako nagtatrabaho."

"Can I inspect the whole university?"

"Sure, ipapakilala kita sa may-ari o ang dean ng university na 'to."

Pagpasok sa loob nakita nila na magkausap sa opisina si Clive ang babae.

"Hi Madam! I'm Xiara by the way." Masiglang bati niya kay Selena.

Bagamat nag-iinit ang dugo sa babae ay este Xiara minabuti na lamang niyang ngumiti at sumagot.

"I'm Ceise, Bravura Department Handler." Wala sa hulog ang pagkakasabi niya.

"Anyways, Mr. Clive this is Detective AA. He want to inspect our university."

Walang ginawa si Clive kundi iaabot lamang ang isa sa mga flyer na pinamimigay niya sa daan.

Tinignan lamang ni Selena ang ginawa ni Clive.

"Tss, Atitude pa ang tanda." Pabulong niyang sinabi sa sarili.

Tinignan ni Aaron ang flyers na binigay ng Mr. Dean. Napamangha siya dahil may Writing Club ang eskwelahan kaya naisipan niyang mag-apply na rin sa unibersidad.

" Mr. Clive, I'll be the handler of Writing Club and at the same time an admin." Blankong pagkakakasabi niya.

"Are you sure you can handle two responsibilities." Pagsusungit ng tandang Clive.

"Yeah, I can manage."

Sa mga sinabi ni Detective AA namangha ng sobra si Selena. Iniidolo niya ito pagdating sa pagiging responsable nito sa mga bagay-bagay at hindi niya inakala na magaling din pala itong sumulat.

" Mag-aayos muna ako ng gamit ko," ani ni Selena sa kanila.

" I should go too, Elena. I'll be back." At umalis na nga si Aaron.

"Sure,go ahead."

Tinignan ng masama ni Selena siya Xiara ng masama.

" A-ah I will help dean muna to manage the school." Napapaisip niyang sabi sabay nagpakita ng isang awkward smile.

"Tss. Napaka-epal at papansin kay Clive," ani niya habang papaakyat sa magiging kwarto niya.

May mga silid na nakaayos na at ang iba'y kailangan pang linisin. Nagmadali sa pag-aayos ng gamit si Selena halos magkalapit lang ang kwarto nila ni Clive pero katabing kwarto naman niya si Xiara.

Sa pagkakataong ito nagsimula na ang banggaan ng dalawang babaeng palaging nagkakainitan kapag sila'y nagkikita pero hinding- hindi mahahlata nga iba dahil sa angking talento nila sa pakikipag-plastikan.