772 You Two Should Team Up (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 772: Kailangan Niyong Magsanib Pwersa (3)

"Anong nangyari?" 

Agad na tanong ni Huo Mian nang makita niya si Yingzi. 

"Puntahan mo siya at tingnan. Lumabas siya kaninang umaga at ganito na siya noong bumalik kaninang tanghali. Hindi niya ako kinakausap at wala akong alam sa nangyari. Ganito siya kapag malala ang kondisyon niya at nakakatakot ito…" 

Alam ni Yingzi na may karanasan si Huo Mian sa neurology kaya si Huo Mian ang agad niyang tinawagan. 

Tumango si Huo Mian. "Sige, papasok ako sa loob at titingnan siya. 'Wag kang masyadong mag-alala." 

Naglakad siya papunta sa ikalawang palapag at nakitang hindi nakasarado ang pinto. Kumatok siya sa pinto pero walang sumagot. 

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob at nakita si Ni Yang na nakahiga sa sulok. 

Nakayakap ang pareho niyang kamay sa kanyang katawan, isa itong mapagprotektang pustura na para bang may masamang nangyari sa kanya. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter