1064 Xiaowei's Wedding (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1064: Kasal Ni Xiaowei (5)

"Hindi ako sigurado… noon, naniniwala ako agad sa kanya. Pero nitong nakaraan, pakiramdam ko ay nagmamaktol lang si Shi… at naisip ko na baka hindi lahat ng sinasabi niya ay totoo." 

"Pinapatunayan mong may utak ka pa rin dahil naisip mo yan." Tumango si Qin Yumin bilang pagsang-ayon.

"Anong ibig mong sabihin, Yumin?" Nanigas bigla si Mrs. Qin. 

"Hindi ako pwedeng magkumento ng marami dahil wala naman ako doon pero kailangan mong maintindihan na kung may isang tao ayaw sa'yo, malaki ang tsansa na nagsisinungaling siya o may bias siya laban sa'yo...Pero kung walang may gusto sa'yo, eh kailangan mo nang tingnan ang sarili mo at isipin kung may mali nga ba talaga. Sinabi ni Yishi na hindi siya gusto ng mga kaibigan nina Chu at Huo Mian kaya pinagtulungan nila siya… Kung ganoon ang pakikitungo ng lahat sa kanya, baka naman may rason iyon, di ba? Hindi naman pwedeng maniwala na lang tayo agad sa lahat ng sasabihin niya…"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter