1072 Xiaowei’s Wedding (13)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1072: Kasal ni Xiaowei(13)

Problema ito ni Huo Yanyan. Walang pakielam si Huo Mian at hindi siya magugulo nito. Isa pa, marami rin silang naging pagtatalo ni Huo Yanyan noon/ 

Kaya lang, iba ang sitwasyon ngayon dahil dinawit ng dalawang babae si Huo Mian sa pngkukutya nila. Base sa tunog nito, mukhang kaibigan sila ni Song Yishi. 

Ang sabi pa nila ay "Yishi namin"? Kinilabutan si Huo Mian nang maisip niya ito.

Nagpapalit pa rin si Jiang Xiaowei sa fitting room. Tumayo si Huo Mian at lumapit ng nakangiti. "Bantayan mo yang lumalabas sa bibig mo, babae. Karma is a bitch."

"At sino ka naman?" Halatang walang alam ang dalawang babae kung sino si Huo Mian.

"Parte ako ng Huo Family na kanina niyo pa nilalapastangan. Ako ang babaeng sinasabi niyong mas mababa kay Yishi pero mahal na mahal ni President Qin."

"Bakit ka nakikinig sa usapan namin? Wala ka bang manners?" sabat ng isa sa mga babae.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter