274 Wala sa Mood si Young Master Su (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napuno ng pagkabigo ang mukha ni Su Yu ng nakita ang mukha ng babae…

Hindi mapagkakaila ang bata, maganda at ang angat nitong mukha, pero hindi ito ang mukhang nagpapasaya ng puso niya.

Mukha ring madaming pinaretoke ang babae. Ang ngiti niya ay matigas at naapektuhan nito ang itsura niya sa malapitan.

"President Su, gusto ko makipag-toast sayo ng wine. Salamat sa pagbibigay sakin ng oportunidad na ito."

Pero, sumagot si Su Yu ng walang emosyon, "Hindi na ito kailangan."

Pagkatapos, tumalikod na ito at hindi na nakipag-usap sa babaeng ang pangalan ay Mian Mian.

Sa buong gabi, hindi na niya kinausap ang babaeng ito.

Nalungkot si Mian Mian kaya naman pumunta siya sa banyo at palihim na tinanong si Lisa.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter