419 Tingnan Natin Kung Sino Ang Mas Walang Awa (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Bakit mo ako binibigyan ng pera?"

"Naghati tayo sa bill."

"Ano ang ibig sabihin mo sa paghahati ng bill?" Nagsalubong nag mga kilay ni Su Yu.

"Gastusin mo ang pera mo at gagastusin ko ang pera ko."

"Kailangan ba talaga nating maglagay ng hangganan?" Mas lalong nagalit si Su Yu.

Tumango si Huo MIan. "Syempre! Hindi naman tayo ganoon kalapit sa isa't isa para pagkagastusan mo ako ng pera mo."

"Seryoso, bilang babae, hindi ka talaga cute."

"Kailanman hindi ako nagsabi na cute ako."

"Gaano ka kawalang katwiran? Sino ang magkakagusto sayo kung ganito ka." Higit pa sa pagka-irita ang nararamdaman ni Su Yu.

"Ako nalang ang gugusto sa sarili ko. Ayos na ba yun para sayo, Young Master Su?" Inaasar ni Huo Mian si Su Yu.

Pagkatapos, tumalikod ito at umalis…

"Hoy! Saan ka pupunta?"

"Uuwi na ako! Gabi na, hindi na ligtas tumambay dito."

"Ihahatid na kita."

"Ayoko, salamat." Kaagad tumanggi si Huo Mian.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter