941 The Mother-in-Law Rubbing in the Wound (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 941: Panggagatong ng Biyenan (2)

 

"Ano?"

"Ang sabi ko ang hula ko ay nagkape ka kasama si Song Yishi."

"Ikaw… Nandaya ka… alam mo na una pa lang, no?" Natuliro si Huo Mian na nakuha agad ni Qin Chu ang tamang sagot sa unang hula pa lang nito.

"Hindi ah, nanghula lang ako."

"Anong hula, sabihin mo sa akin," hindi pa rin kumbinsido si Huo Mian.

"Noong tanghali, sinabi ni Zhu Lingling sa WeChat Group natin na may flight siya, at si Jiang Xiaowei naman ay buntis kaya hindi siya pwedeng uminom ng kape… At isa pa, kampanteng-kampante ka noong tinanong mo ko, ibig-sabihin, isang tao 'yon na hindi ko iisiping kasama mo. Kaya siya ang hula ko."

"Pang-tao pa ba 'yang utak mo? Para kang makina?" Kumbinsido na si Huo Mian.

Alam niyang hindi mandaraya si Qin Chu; syempre hindi alam nito na kinita niya si Song yishi.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter