435 Tawagin mo akong “Mrs. Qin” (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ano? Kung ikaw si Mrs. Qin, edi ano ako?"

"Ikaw din si Mrs. Qin, kaso… ikaw yung mas matanda."

Binigyang diin niya ang 'matanda' kaya mas lalong nagalit si Mrs. Qin at halos maging berde ang mukha nito…

"Isa ka talagang walang pinag-aralan, lahat kasi ng lumalabas sa bibig mo ay mga pangmababang kag*guhan."

Walang emosyon na sumagot si Huo Mian, "Ang mga taong may pinag-aralan ay kailanman hindi sasabihan ang iba na hindi sila edukado. Sa pagitan nating dalawa, halata naman kung sino ang mas walang pinag-aralan..."

"Ano ang ibig mong sabihin tungkol doon?"

"Literal mong intindihin ito."

"Panuorin mo akong sirain yang bunganga mo..." ungol ni Mrs. Qin.

Pagkatapos, dinambaan niya si Huo Mian pero nakaiwas ito. Ang bodyguard naman sa likod niya ay handa ng umaksyon.

"Huwag mo akong hahawaka, ako ang asawa ni Qin Chu," sabi ni Huo Mian ng walang emosyon.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter