432 Tawagin mo akong “Mrs. Qin” (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Narinig ko na naospital si Dr. Qin, kaya pumunta ako rito para kamustahin siya." Nakasuot si Director Wu ng puting lab coat; nasa likod naman niya ang kanyang assistant.

"Sige po, pasok."

Pakiramdam ni Huo MIan na alam ni Director Wu ang relasyon nila ni Qin Chu kahit na hindi nila ito pinagusapan kahit kailan.

Dahil binisita ni Director Wu si Qin Chu, si Huo Mian ay nagdesisyon na umakyat para tingnan ang lagay ng mama niya.

Sobrang abala niya nitong mga araw, pero ang magandang balita ay, may sapat na mga taong nagtatrabaho sa South Side dahil kung hindi, hindi siya makakapagbakasyon ng matagal.

Pagkatapos mananghalian kasama si Zhixin, bumaba si Huo MIan para hanapin sila Huang Yue at ang iba pa.

Pero nakita niya si Wu Xiaoxue na matagal na niyang hindi nakita…

Halatang masaya ito na makita si Huo Mian. "Huo Mian!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter