431 Tawagin mo akong “Mrs. Qin” (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kalimutan mo na ito, hindi ko na uulitin ang sinabi ko." Sinadyang isuksok ni Huo Mian ang ulo niya sa kilikili ni Qin Chu.

"Honey, pakiusap, ulitin mo ang sinabi mo, kahit isang beses lang."

Nakaramdam ng hindi mapigilan na excitement si Qin Chu sa puso niya kaya hinila niya si Huo Mian paalis ng braso niya at hinawakan ang magandang mukha nito.

Nagmamakaawa siyang tumingin dito…

"Sabi ko… magka-baby na tayo. Hindi ko alam kung sino ako at kung saan ako galing, at ayokong danasin ng anak ko ang dinanas ko kaya gusto ko malaman ng anak ko kung sino ang mama at papa niya. Gusto ko rin ibigay sa kanya ang lahat ng pagmamahal sa mundo."

"Honey… iyan ang pinaka-nakakaantig na sinabi mo simula nung nakilala kita." Mahigpit na niyakap ni Qin Chu ang bewang ni Huo Mian dahil nagiging emosyonal na siya.

"Edi…?"

"Kaya ngayon, oras na..." seryosong sabi ni Qin Chu.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter