589 Siya Lang Ang Pinapahalagahan Niya (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Honey, anong ginagawa mo?" Sa kabilang linya ay ang malambing naboses ni Qin Chu.

"Nagtatrabaho," sabi ni Huo Mian ng may nagmamadaling tono, takot kasi siya na makakahanap ng butas si Mr. Qin sa pagsisinungaling niya gamit ang nakakatakot nitong talino.

"Trabaho? Anong trabaho?" Kailanman ay hindi tinanong ni QIn Chu kung anong bagay ang tinatrabaho ni Huo Mian.

Takot si Huo Mian na mas lalo siyang makokonsensya…

"Uh… katulad pa rin ng dati, binibisita at tinintingnan ang mga pasyente, nagsasagawa ng mga meetings at et cetera."

"Oh, yun ba talaga yun?" May paghihinala pa ring tanong ni Qin Chu.

"Syempre… naayos naman ang gawa ko, ikaw, kamusta? Masyado kang mapaghinala." Sobrang nakokonsensya si Huo Mian.

"Patuloy sa pagkibit ang kanang mata ko at sa tuwing may nararamdaman akong ganito, nasasangkot ka sa gulo," walang bahalang sabi ni Qin Chu.

Halos mabagsak ni Huo Mian ang phone niya sa takot.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter