588 Siya Lang Ang Pinapahalagahan Niya (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oo, hindi natin pag-uusapan ang sakit mo ngayon. Iinom lang tayo."

"Bakit?" Nag-iingat na tumingin si Ni Yang kay Huo Mina.

"Dahil ang pagkalasing ay nakakatulong sa pagharap sa mga inaalala mo… Ha, huwag kang mag-alala, hindi kita kukunan ng litrato habang lasing, sobrang propesyonal ako."

"Alam ko," mahinang sabi ni Ni Yang.

"Iinom ba tayo o hindi? Nirerespeto ko ang mga desisyon mo at kapag pinagkatiwalaan mo ako, umupo ka at uminom. Kung nag-aalala ka, naiintindihan ko, pampublikong tao ka at kapag nalaman ito ni Yingzi, ang agent mo, paniguradong mumurahin niya ako." Tumawa si Huo Mian. Alam niya na baka masermonan at ma-report siya pero gusto niya pa rin subukan ang swerte niya at tahakin ang mapanganib na daan.

Pagkatapos ng 5 segundong katahimikan…

Tumingala si Ni Yang at ipinakita ang kanyang malilinawa na mata.

"Sige… uminom tayo."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter