587 Siya Lang Ang Pinapahalagahan Niya (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumingin si Qin Chu kay Yang at ipinaliwanag ito, "Si Annie Liang ay may pangit na reputasyon sa publiko. Ang pribado niyang buhay ay magulo at marami siyang negatibong mga balita. Kapag sinobrahan natin ang pag-promote sa kanya, baka maging isang chismis ito at pagkatapos, siya ang malalagay sa spotlight at tuluyang matatabunan ang balita tungkol sa bago nating kumpnaya. Sa tingin mo ba ay katanggap-tanggap ito?"

"Uh… sir, masyado mo talagang pinag-isipan ang lahat. Masyado akong pakialamero pero… ang akala ko ay hindi mo pinapansin ang mga tabloids, ang tungkol sa magulong pribadong buhay ni Miss Annie Liang at pati na tin ang mga negatibong mga balita na meron siya, haha."

Masayang tumawa si Yang.

Iniisip niya kasi, sa pride ng boss niya, baka hindi nito alam ang kahit sinong mga babaeng artista.

Maliban kay Young Madam…

"Lagi akong nananalo kapag alam ko ang kalaban ko. Paano ako lalaban kay Su Yu kung hindi ko alam ang sitwasyon?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter