586 Siya Lang Ang Pinapahalagahan Niya (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabagal na inilapag ni Su Yu ang cocktail glass. "Makialam? Bakit tayo makikialam?"

"Sir, hindi ba plano niyong hayaan sila..."

"Kailanman, hindi kasama sa plano ko ang babaeng yun." Ngumiti si Su Yu.

Biglang napagtanto ni An. "Sir, ang ibig sabihin mo ba ay gusto mo kunin ang oportunidad na ito at iwan siya."

"Laos naman na siya at tsaka, kailanman ay hindi siya pumipirmi at laging pinupuno ng usok ang kumpanya dahil sa pakikipag-away niya sa mga artista kaya bibitawan ko siya gamit ang oportunidad na ito, dahil ang mga taong katulad niya ay nagdadala ng gulo kahit san man sila magpunta."

"Sir, talagang pinag-isipan mo ang lahat. Paano naman ang iba?"

"Ilang araw pa ba bago maging publikop ang GK Film and Television?"

"Mga dalawang araw."

"Oh, mabuti, hayaan mo gawin nila ang mga bagay ayon sa plano."

"Okay." Tumango si An at lumabas ng pinto.

Nagkrus ang mga legs ni Su Yu at sumandal sa kanyang sosyal na upuan.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter