559 Sino ang Patagong Kumukuha ng mga Litrato (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos tingnan ni Qin Chu ang mga litrato, kalmado niyang tinanong, "Ma, saan mo nakuha ang mga ito?"

Ito ay litrato nila Su Yu at Huo Mian na kumakain nang magkasama sa canteen.

Mukhang masaya silang nag-uusap. Maamong nakatingin si Qin Chu kay Huo Mian, at nakayukong kumakain ito.

Kahit na gilid lang ito ng mukha ni Huo Mian, malinaw ang mga pixels kaya masasabi mo talaga na si Huo Mian ito.

"Huwag mo tanungin kung saan ko nakuha ito, pero hindi mo ba naiisip na nagtataksil ang babaeng ito? Kasal siya sayo pero nakikipaglandian siya. Ang pamilya natin ay mayaman kaya hindi na niya kailangan mag-alala sa pera kaya bakit pa siya pumaparada at lumalandi? Ano pa ba siya maliban sa poagiging isang p*ta?"

"Ma… may kinuha ka bang tao para sundan siya at kunan ng litrato?"

Dumilim ang ekspresyon ni Qin Chu hindi dahil sa litrato ni Huo Mian pero dahil sa pinasundan at pina-imbestigahan niya ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter