448 Sinasagad ang Swerte (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ako si Zhao Qingya, nasa rooftop terrace ako ng ospital nito ngayon. Pwede ba tayong mag-usap?"

"Miss Zhao sa tingin ko ay hindi kita ganun kakilala."

"May kailangan lang ako pag-usapan kasama ka, yun lang." Pinatay ni Zhao Qingya ang tawag bago pa makapagsalita si Huo Mian.

Walang masabi si Huo Mian, pero alam niya na kilalang artista si Zhao Qingya.

Kapag nasa bahay siya, minsan, nanunuod siya ng mga historical T.V. drama kung saan gumaganap si Qingya at iniisip ni Huo Mian na magaling ang pag-arte nito.

Pero… ayaw niyang makipag-usap dito ng pribado simula nung "hinagis" nito ang bag sa kanya dati.

Ayaw din ni Huo Mian kay Zhao Qingya dahil mukha itong hindi palakaibigan. Pero dahil wala namang namamagitan sa kanila ni Su Yu, hindi na niya masyadong pinapansin ito. Pero, kapag sinusubukan nitong agawin si Qin Chu sa kanya, tuturuan niya ito ng leksyon.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter