446 Sinasagad ang Swerte (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakita ni Zhao Qingya na hindi sumagot si Su Yu kaya napagdesisyunan niyang ipagpatuloy ang paghaplos sa katawan nito…

Naniniwala siya na ang kanyang pagsisikap ay makukuha ang interes ni Su Yu.

Siguro ay sobrang kampante niya dahil nagulat siya nung itinulak siya ni Su Yu.

"Wala ako sa mood. Kung gusto mong manatili buong gabi, may guest room sa unang palapag. Kung ayaw mo naman, magmaneho ka na pauwi sa bahay mo." Tumayo si Su Yu ay umakyat sa kwarto niya pagkatapos niya magsalita.

Pakiramdam ni Zhao Qingya ay napahiya siya. Ito ang unang beses na siya ang unang lumapit pero tinanggihan siya.

Sigurado siya na hindi na interesado si Su Yu sa kanya. Baka naman nahulog na ang loob nito sa iba?

Nung una iniisip niya na ang gusto ni Su Yu ay si Mian Mian kaya may inutusan siya na sundan ito kamakailan lang.

Pero, ang babaeng iyon ay papasok lang sa trabaho at pagkatapos, uuwi. Bihira lang nito makasama si Su Yu pati na sa kumpanya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter