443 Sinasagad ang Swerte (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ayoko."

Kaagad ibinalik ni Huo Mian ang mga alahas kay Su Yu, at ang paggalaw niya ay sobrang bilis at walang pag-aalinlangan.

"Bakit?"

"Dahil sobrang mahal nito."

"Sa tingin ko ay hindi naman ito ganun kamahal kaya kunin mo na ito. Inalagaan mo ako ng mabuti noong nasa recuperation center palang ako kaya kunin mo itong regalo bilang pasasalamat sayo." Naiilang na gumawa ng palusot si Su Yu.

Umiling pa rin si Huo Mian. "Ako ay empleyado ng South Side at ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Pero, salamat."

Pagkatapos, lumingkis si Huo Mian kay Qin Chu. "Honey, kain na tayo."

"Sige." Tumango si Qin Chu at silang dalawa ay umalis gamit ang Maybach.

Naiwang nakatayo doon si Su Yu at hindi gumagalaw habang ang alahas ay nasa mga kamay niya at pinapanuod niya ang dalawa na umalis…

Sa buong buhay niya, hindi siya naiinggit sa kahit kanino dahil ipinanganak siya na nasa kanya na ang lahat.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter