450 Sinasagad ang Swerte (10)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Pwede mo ba akong tulungan maglaro ng ranked game bukas? Gusto ko makita kung gaano ka kagaling."

"Syempre naman, walang problema. Pero pagkatapos ng laro, kailangan mo lumabas kasama ako at maglakad sa arawan."

"Deal." Ngumiti ng malaki ang binata.

Si Huang Jiaming ay isang tunay na geek. Ayaw niya ng kahit anong sports, at higit pa rito, ayaw niya ring naaarawan.

Inaasahan ni Huo Mian na dahan-dahan nitong mababago ang mood niya at para matulungan siya gumaling, kailangan niya makipaglaro sa kanya.

Pagkalabas niya ng kwarto, ngumiti si Nannan, "Head Nurse, ang galing mo makisama sa iba. Kaya mong alagaan ang kahit anong tipo ng pasyente."

"Mahalaga matutunan ang pakikisama sa iba, dapat kasi tratuhin mo ang mga pasyente mo na parang kaibigan mo. Kapag tapat at totoo ka sa kanila, natural na ibabalik nila ito sayo."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter