32 Sexual Preference

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 32: Sekswalidad

Pagkakita sa hindi-ako--impressed na tingin ng president, maingat na nagpakilala si Jiang Linyue kaagad.

"President Qin, ako ang director ng GK's luxury designs. Ang pangalan ko ay Jiang Linyue."

"Bakit ka nandito?" Cold ang boses ni Qin Chu.

"Andito ako para i-present sayo ang pinakabagong luxury design samples ng season na'to. Ngayon, ang aming department ay naglaunch ng ilang bagong models --"

"Ibaba mo yung material at makaka-alis ka na," sabat ni Qin Chu kay Jiang Linyue bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin.

"President Qin, mas makakabuti kung ipapaliwanag ko sayo yung ibang details," sobrang understatement yung pagka-dumbfounded niya ngayon. Pakiramdam ni Jiang Linyue naging proper naman ang attitude niya; hindi siya nagnanasa o umaarte katulad ng ibang babae. Bakit unimpressed pa rin ang president?

"Hindi mo na kailangan ipaliwanag ang details sakin. Sapat nang ipaliwanag mo nalang ito kay Vice President."

Pagkarinig sa mga salita ni Qin Chu, nalungkot si Jiang Linyue. Sobrang naghanda siya para sa full speech niya para kay young president pero pinatigil siya nito bago pa siya makapagsimula.

"Makakaalis ka na," utos ni Qin Chu.

"Yes, President Qin."

Kinuha ni Jiang Linyue ang mga papers at umalis nang labag sa loob.

Bago umalis, tumingin siya ulit kay Qin Chu, nakita niya itong nahuhubad ng jacket at sumandal sa kanyang desk. Sapat na itong nakikita niya para ma-inlove ang lahat ng babae. Noon, hinarap niya lahat ng paghihirap para lang makapasok sa GK at magkaroon ng pagkakataon na nandito siya sa kumpanya kapag nasa pinakamataas na si Qin Chu. Kapag naiisip niyang makikita niya ito araw-araw, masaya na siya.

Pagka-alis ni Jiang Linyue, tinawagan ni Qin Chu ang isang internal number.

"President Qin, ano pong maitutulong ko?" magalang na pumasok papasok sa office si Assistant Yang.

"Kailangan ko ng taong maglilinis ng office ko mamaya. Saka, next time, huwag ka na magpapapasok ng kahit sino sa loob ng office ko, lahat ng bisita ay dadalhin mo sa small conference room."

"Yes, President Qin."

Ayaw ni Qin Chu ang amoy ng pabango, at alam lang ito ng mga taong malapit sa kanya.

Hindi dahil allergic siya. Naiirita lang siya sa amoy ng mga artificially synthesized fragrances.

Masyadong nagtagal si Jiang Linyue sa office niya, at ang amoy ng Chanel perfume niya ay naiwan sa hangin.

Ayaw ni Qin Chu ng amoy. Kung ikukumpara dito, mas gusto niya ang amoy ng hospital formaldehyde.

O kaya naman, gusto niya lang ang kakaibang amoy ng isang specific na tao…

- GK's Department of Design -

Nakabalik na si Jiang Linyue, mukha itong malungkot.

"Director Jiang, nakita mo na ang big boss natin? Gwapo ba siya?"

"Bakit may oras ka para sa chismis? Di ba may trabaho ka pa?" maasim na tanong ni Jiang Linyue.

"Yes, Director Jiang," mabilis na sinara ng assistant secretary ang pinto at umalis.

Habang nakaupo siya sa kanyang upuan, bumuntong-hininga si Jiang Linyue…

Nag-aral siya sa Paris for three years, madami na rin siyang natanggap na mga design awards.

Mapa-domestic o internationally-renowned corporations ay nag-offer sa kaniya ng mga positions, ngunit pinili niya magtrabaho sa kanyang home country. Determinado siyang pumunta sa C City at magtrabaho sa GK dahil may gusto siya kay Qin Chu.

Nagtatrabaho siya sa GK nang halos dalawang taon, nag-aantay sa pagbabalik ng young president.

Maganda at talented si Jiang Linyue, may maganda pa itong taste sa pananamit. Kaya paanong tinaggihan siya ng president?

"Maliban nalang kung… bakla ang president?" sabi ni Jiang Linyue sa sarili.

Madalas nakasulat sa mga magazine articles na ang mga gwapong lalaki ay madalas bakla, lalo na yung mga walang girlfriend.

Ang mukha ni President Qin ay higit pa sa gwapo; wala kang makikita na kahit isang bad angle, at madami na rin tinanong si Jiang Linyue tungkol sa kaniyang girlfriend.

Lahat sila ang sagot ay single ang president, kaya naman nagkaroon siya ng confidence para lumapit dito. Pero hindi niya inaasahan na tatanggihan siya nito sa unang try palang.

Pagkasapit ng tanghali, kakain na sana si Qin Chu kaso may natanggap itong notification sa kanyang phone.

Binuksan niya ang WeChat at nakita na may isang nagmessage sa class' group chat, "May nakakaalam ba kung kailan ikakasal si Goddess Huo?"

Kakagawa niya lang ng WeChat, ilang araw palang ang nakalilipas at wala pa masyadong contacts ito. Kaya lang siya nasa group ay dahil ini-add siya ni Ms. Yao noong last reunion nila. Hindi niya inaasahan na makakarinig siya ng balita tungkol kay Huo Mian sa group.

avataravatar
Next chapter