4 Sapilitang Halik

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 4: Sapilitang Halik

"Sorry po…" Mabilis na humingi ng tawad si Huo Mian.

Habang nagkakagulo, may nag-abot sa kanya ng isang napkin at ginamit niya ito para linisin yung dulo ng kanyang dress. Pagkataas ng kanyang ulo dun niya lang napansin na si Qin Chu pala iyon

"Salamat," sabi niya ng walang halong emosyon, para bang wala silang pinagsamahan.

Hindi sumagot si Qin Chu. Nakipag-usap ito sa kanilang ibang mga kaklase at inalis ang atensyon sa kanya.

Nagpatuloy ito hanggang sa sinadya ni Liu Siying magtanong ng malakas sa harap ng mga kaklase nila, "Huo Mian, narinig ko na malapit ka na ikasal? Doctor yung fiance mo, di ba? Mabuti naman. Wag mo kaming kakalimutang imbitahan sa kasal mo tutal classmates naman tayo."

Pagkatapos niya sabihin yun, nanahimik ang lahat at tiningnan maigi kung ano ang magiging reaksyon ni Qin Chu.

"Hindi pa. Pinag-uusapan palang ng mga pamilya namin pero sasabihin ko sa inyong lahat pag nakapili na kami ng date," sabi ni Mian habang nahihiyang nakangiti.

Bigla nalang siya nakaramdam na parang may sobra kung makatingin sa kanya.

"Ikakasal ka na?" pagkatapos ng isang mahabang katahimikan. Sa wakas, nakipag-usap na si Qin Chu sa kanya sa unang pagkakataon.

Tumango si Huo Mian… sa kadahilanang, sa sobrang kaba, di man lang niya masabi ang salitang 'oo'.

"Oh, congratulations." Nakangiti siya pero walang emosyon ang makikita sa kanyang mga mata.

"Salamat," awkward na sabi ni Huo Mian. Wala siyang lakas ng loob na tumingin ng direkta kay Qin Chu dahil ang kanyang mga ngiti ay masyadong oppressive. Ilang beses na din siya nag-imagine kung pano sila magkikita pero hindi niya inakalang sa ganitong paraan sila magtatagpo. Dahil sa kakaisip niya, di na naman siya mapakali.

"Sayang naman. Dati kasi, si Huo Mian ang isa sa mga pinakamaganda sa school. Akala ko tuloy ikakasal siya sa mayaman o maimpluwensiyang pamilya. Di ko talaga inaasahan na ikakasal ka kaagad ha-ha. Nakakaawa. Kung alam ko lang na mangyayari ito, edi sana niligawan kita ha-ha, kung gusto mo ako nalang?" Sabi ni Wei Dong na may halong biro. Siya ay kilalang pasaway noong nasa high school pa sila at nakainom na rin ito ngayon.

Galing si Wei Dong sa isang kilalang pamilya, ang kanyang tatay ay may construction business. At dahil booming ang real estate nitong mga nakaraang taon, siya ay matagumpay na sumusunod sa yapak ng kaniyang tatay. Kaya tuwing may pagkikita, lagi siyang may kumpyansa sa sarili kahit pag nagbibiro siya.

Inirapan siya ni Zhu Lingling at sinabing, "Tigilan mo na yan. Wala kang chance. Natalo ka na dati pa ni Prince Charming Qin nung nasa school pa tayo. Kaya bakit sa tingin mo mapapa-inlove mo si Huo Mian?"

Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, narealize ni Zhu Lingling na sumobra na siya kaya tumahimik nalang siya.

Ang relasyon nila Qin Chu at Huo Mian ay maihahalintulad mo sa plot mula sa Jay Chou's movie -- Secret.

Walang naging reaksyon si Qin Chu sa mga sinabi ni Zhu Lingling. Patuloy pa din siyang nakatingin kay Huo Mian.

Awkward na ngumiti si Huo Mian bago tumayo. Sinabi niya, "Umm, excuse me, kailangan ko pumunta sa washroom."

Mayroong namang washroom sa loob ng private room ngunit gusto ni Huo Mian gumawa ng dahilan para makaalis sa sitwasyon na ito, o kung titingnan maigi, kay Qin Chu.

Pagkatapos makaalis ni Huo Mian sa dining room, nagsimula siyang huminga ng malalim at marinig ang mabilis na tibok ng puso niya.

Hindi talaga inakala ni Huo Mian na magkikita sila ni Qin Chu sa ganitong kalagayan. Kahit 7 years na ang nakalipas, nagulat pa din siya sa biglang pagdating niya.

Pagkatapos niya mapakalma ang sarili sa washroom, inaayos niya ang kanyang makeup bago lumabas ng nakayuko. Bago pa niya maintindihan ang mga pangyayari, bigla nalang may tumulak sa kanya sa dingding gamit ang malaking bisig nito. Pagkatapos… dumampi ang malamig na labi nito sa kanya, kakaiba pero pamilyar ang presensya nito na mas lalong nagpagulo sa isip ni Huo Mian.

avataravatar
Next chapter