221 Personal na Interes

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Syempre gusto ko, pero masyadong maraming babae ang nakapaligid kay Su Yu, at wala akong lamang sa kanila," Yumuko si Huo Yanyan dahil wala siyang kumpiyansa sa sarili.

"Yanyan, hindi ka naman minamadali ni Mommy, pero nawala na ang kalayaan mo pumili ng mapapakasalan noong ipinanganak ka sa Huo family. Ang mga kasal natin ay base lang sa interes ng pamilya. Ang pagmamahal ay para sa mga tanga. Bata ka pa, Yanyan, maiintindihan mo rin kapag tumungtong ka na sa edad ko," kimukumbinsi ni Shen Jiani ang anak at maganda ang intensyon niya para rito.

"Mom, walang maayos na lalaki sa mga kaibigan ko, ang bawat isa sa kanila ay mapaglaro ng emosyon. Malulungkot ako kapag ikinasal ako sa kahit isa sa kanila, pero iba si Su Yu. Kahit na marami siyang babae, hindi niya minahal ang kahit isa rito. Ang mga babaeng ito ay parang damit lang para sa kanya, kailanman hindi siya nagsayang ng emosyon para sa kanila.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter