13 Paliwanag

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 13: Paliwanag

"Ha-ha, magpapaliwanag? Ano pa bang pwede mong ipaliwanag?" tanong ni Ning Zhiyuan kay Huo Mian nang walang emosyon.

Para bang hindi siya yung sweet at caring na lalaking nakadate niya sa loob ng three years.

Ang daming nagbago sa loob ng isang gabi…

"Zhiyuan, magkasama tayo ng tatlong taon. Hindi mo pa rin ba ako kilala?"

Tumingin si Ning Zhiyuan sa mukha ni Huo Mian at ngumiti, "Hindi talaga, darling. Kung hindi dahil sa mga nangyari kagabi, aakalain ko pa din na isa kang pure goddess na mamahalin at aalagaan ko. Sinong mag-aakala na yung inaakalang kong diyosa ay fake pala? Natulog ka na kasama ang iba seven years ago… Ilang taon ka nun? Eighteen? Huo Mian, nakikita ko na ngayon kung gaano ka kawalanghiya. Kaya pala pinili mo ako… mukhang nakakuha ako ng tira ng iba."

Binigyang diin ni Ning Zhiyuan ang salitang 'tira'…

Kahit ang nurse na si He Man ay nagulat, di makapaniwala sa kanyang mga narinig at tumingin ito kay Huo Mian. Kahit kayang harapin ni Huo Mian ang mga masasakit na salita ni Ning Zhiyuan, pakiramdam niya mas nadidismaya siya kaysa sa nasasaktan.

Hindi niya inakalang lalabas ang mga masasakit na salita mula sa bibig ng lalaking mukhang maamo at mabait…

Nadidismayang tumingin si Huo Mian kay Ning Zhiyuan bago dahan-dahang sinabi, "Zhiyuan, lahat ng tao may past. Kung ano man ang nangyari sa pagitan nami ni Qin Chu, tapos na yun…"

"Manahimik ka at itigil mo na ang pagyayabang sa ex-boyfriend mo. Nakakadiri siya. Akala niya ba kung sino siya? Porket may namamaneho siyang Audi R8, cool na siya? Kung gusto mo talaga siya, bakit hindi ka makipag-ayos sa kanya at iwan ako mag-isa?"

"Zhiyuan, hindi ka kalmado ngayon at alam kong galit ka. Pag galit pa naman ang mga tao, madalas nagiging mali ang mga desisyon nila at nagsisisi sila sa huli. Bibigyan kita ng oras para kumalma at mag-usap tayo mamaya."

Pagkatapos niya magsalita, tumalikod at umalis si Huo Mian…

Medyo nalungkot si Ning Zhiyuan…

Niligawan niya si Huo Mian sa loob ng tatlong taon, lahat nga ay nagulat sa kanilang medical school. Sobrang minahal niya ito ngunit di niya matatanggap ang nakakahiyang nakaraan nito.

Isama na rin natin yung ex-boyfriend niya na sobra kung makapagyabang at hinalikan pa siya nito kahapon.

Matagal na din naging sila ni Huo Mian, pero kailanman ay di sila natulog nang magkasama. Lahat ng bagong nalaman niya tungkol sa nakaraan niya ay hindi ganun kadali intindihin.

"Doctor Ning, hindi ako makapaniwala na si Huo Mian pala ay isang hangal. Nakakahiya," sabi ni He Man.

"Bakit nakakahiya?" napakunot ng noo si Ning Zhiyuan.

"Nakakahiya na sinayang niya ang isang lalaking katulad mo. Ang dami pa namang nurses sa department natin na ang tingin sayo ay isang great catch," nakangiting sinabi ni He Man.

Napatikom ang mga labi ni Ning Zhiyuan…

Sa totoo lang, medyo gwapo at mukhang main character si Ning Zhiyuan sa isang Korean drama. Sa mga malalaking ospital katulad nito, madalas ang mga doktor ay middle-aged at nasa kanilang forties. Bihira lang ang mga batang doctor, kaya naman sikat sila.

May mga nurses na nagconfessed ng feelings nila para sa kanya, ngunit tinanggihan niya ang mga ito dahil may Huo Mian na siya. Bibili pa nga sila ng apartment at ikakasal kaya naman wala na siyang inisip na iba.

Ngayong may nangyaring ganito kaseryoso sa pagitan nilang dalawa, siguro kailangan niya pag-isipan ang mga bagay-bagay.

"Totoo ba? Ganun ako kasikat?" nakangiting tanong ni Ning Zhiyuan.

"Syempre naman."

Pagkasabi ni He Man nito, ibinaba ni Ning Zhiyuan ang kanyang ulo at lumapit sa kanyang mga labi, nagtatanong, "Hmm… kasama ka ba doon?"

Ngumiti si He Man, ang kanyang mata ay nangliliit habang inaasar niya siya pabalik, "Ano sa tingin mo?"

Patuloy na naglandian si Ning Zhiyuan at nurse sa ophthalmology clinic…

Habang sa OB/GYN Department, wala sa wisyo magtrabaho si Huo Mian. Nasa ibang lugar ang puso niya habang ang utak niya ay nalipad.

"Huo Mian, alam mo ba kung ilang beses na kitang tinawag?" galit na sumigaw ang head nurse.

avataravatar
Next chapter