webnovel

Pakikialam

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Alam mo namang hindi nag-iba ang trato ko sayo dahil lang sa sitwasyon ng pamilya mo."

"Pero ayaw sakin ng mama mo, kaya bakit mamamatay si Uncle Jing? Kung hindi ako sinagip ni Uncle Jing dati, edi… ako dapat ang namatay at hindi ako nakaupo rito ngayon."

"Mian…" Ang pag-alala sa masakit na alaalang ito ay brutal para kay Qin Chu.

Sinubukan na niya ang lahat para makahingi ng tawad, pero alam niya na ang bangungot na ito ay hindi mabubura sa isip ni Huo Mian.

Dala-dala niya ang pasakit na tao sa mga nagdaang taon…

Pero, anong magagawa niya? Ang taong nagsagawa nito ay ang kanyang mama.

Kaya niya bang patayin ito? Imposible.

"Qin Chu, hindi ko sinadyang banggitin ito. Gusto ko lang ipaalam sayo na isang beses, kinamuhian ko ang sarili ko, at kinamuhian ko rin si Huo Zhenghai para sa hindi pagbibigay sakin ng reasonableng pagkakakilanlan dati. Ngayong mas matanda na ako, hindi ko na siya bibigyan ng pagkakataon na gamitin lang ako."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter