186 Pagtatalo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Iniisip ni Huo Mian na weird kung kakain silang apat nang magkakasama, pero dahil nagpumilit si Qin Chu, hindi na siya nagsalita.

Nagpareserba si Qin Chu sa Phoenix, isang restaurant na kilala para sa kanilang mga tradisyonal na luto.

Ang restaurant na ito ay may mga tradisyonal na palamuti at ang pinakahinahanda nilang mga pagkain ay mga pinausukan, binabad at inihaw. Ang pinakasikat naman nilang pagkain ay House Special Spiced Chicken. Ito ay ibinababad muna sa kanilang sikretong recipe sa loob ng 24 oras bago ito ihawin gamit ang mahinang apoy hanggang sa maging golden ito. Ang laman nito ay malutong sa labas pero malambot sa loob, at ang nakakahalina nitong amoy ay maaamoy mo kaagad mula sa malayo. Ito ay dapat talaga inoorder kapag pupunta ka sa restaurant na ito.

Si Qin Chu ay isang lalaki na may maraming mga koneksyon; ang restaurant na ito ay madalas puno at bihira lang ang bukas na lamesa rito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter