165 Pagsasama sa Isang Kama

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Itutuloy na sana ito ni Qin Chu, kaso nasira ang sandali nang biglang tumunog ang phone ni Huo Mian.

Gusto sanang abutin ito ni Qin Chu at ibato ang phone sa sahig, pero nauna itong makuha ni Huo Mian.

Itinulak niya si Qin Chu palayo at tumayo ng may pagka-ilang. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang phone at naglakad papunta sa pinto.

Napakasama ng naging expression ni Qin Chu…

"Uy, Lingling."

"May mali ba? Ang weird mo pakinggan."

"Wala ah." Nakaramdam ng konting pagkakonsensya si Huo Mian.

"Hindi ako naniniwala sayo. Matagal na kitang kilala, huwag mo akong lokohin. Oh teka, ikaw ba at si Qin Chu ay may ginagawang bagay na hindi angkop na makita ng mga bata?" Napangisi si Zhu Lingling.

"Mukha namang tapos ka na sa break up niyo, kaya ipinagpapalagay ko na hindi ka na nagmumukmok tungkol dun?" Hindi alam ni Huo Mian kung ano ang sasabihin niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter