38 Pagpiyansa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 38: Pagpiyansa

"Na-recognize agad ni Gao Ran si Huo Mian. Una sa lahat, siya ang babaeng sobrang minahal ng kaibigan niyang si Qin Chu. Pangalawa, wala masyado pinagbago si Huo Mian simula high school, nawala lang ang pagka-inosente nito dati."

Naaalala pa niya noong sila Qin Chu at Huo Mian pa seven years ago. Lagi silang makasama at kumakain ng dinner.

Noon, ang girlfriend din ni Gao Ran ay isa sa mga pinakamaganda sa kanilang klase. Sinasama ni Qin Chu si Huo Mian kaya naman silang apat ay madalas kumain magkasama.

Ngayong naaalala niya ang mga ito, parang ang dami na ring oras na lumipas.

Kinakalkal ni Gao Ran ang phone ng lasing at nakita niya ang pangalang 'Mian' sa contact list.

Hula ni Gao Ran si Huo Mian nga ito at ang lalaking nandito ay may intimate relationship sa kanya dahil siya ang wallpaper nito.

Biglang, nagkaroon ng idea si Gao Ran…

Humarap siya sa maliit na pulis sa tabi niya at tinanong, "Hinanap mo ba ID niya? Anong pangalan niya?"

"Yes, Captain Gao, ang pangalan niya ay Ning Zhiyuan."

"Okay," kinuha ni Gao Ran ang phone, lumabas sa custody cell at tinawagan ang number ni Huo Mian.

Sa kabilang banda, nakikinig si Huo Mian sa music, medyo patulog na siya dahil 11:30 PM na.

Nagising siya pagka-ring ng phone niya, nakita niyang galing ang tawag kay Ning Zhiyuan, nag-alangan siya bago sagutin.

"Zhiyuan, kamusta?" medyo distant ang tono niya.

"Hello, ikaw ba si Huo Mian?" pormal na nagsalita si Gao Ran.

"Ako nga, pwede ko ba malaman kung sino ka?"

"Ako ang captain ng downtown Criminal Police Division. Nahuli namin ang isang john na nagngangalang Ning Zhiyuan habang sinasagawa namin ang anti-prostitution ngayong gabi, kaibigan mo ba siya? Nahanap namin ang contact information mo sa phone niya," sinadyang bigyang diin ni Gao Ran ang satlitang 'john.'

Nagulat si Huo Mian. John? Ning Zhiyuan? Gaano ito kaposible?

"Miss Huo Mian, andiyan ka pa ba?" tanong ni Gao Ran.

"Andito pa."

"Kaibigan mo si Ning Zhiyuan, tama ba?"

"Yes," sagot ni Huo Mian.

"Pwede ka bang pumunta ngayon para piyansahan siya?"

Matapos ang ilang sandali, mabagal na sabi ni Huo Mian, "Sige, pupunta na ako diyan ngayon."

Pagkababa ng tawag, ngumiti nang masama si Gao Ran, nilabas niya ang kanyang phone at may tinawagan pang ibang number.

Night owl si Qin Chu, kaya madalas niya tingnan ang company documents at statistics kapag gabi sa kanyang study room. Pagkatapos, iinom siya ng kape at susuriin ang stock market.

"Hello?"

"Chu, ilibre mo ako ngayon ng isang masarap na pagkain."

"Ngayon? Anong oras na?" tumingin si Qin Chu sa kanyang relo. Midnight na, ano bang problema nito?

"Pumunta ka sa police station ngayon, may sorpresa ako ngayon."

"Hindi ako interesado," mabilis na pagtanggi ni Qin Chu.

"…" Hindi makapagsalita sa Gao Ran nang ilang segundo. "Hmm… wag ka magsisisi ha. Sinasabi ko sayo kapag hindi ka pumunta ngayon, hindi mo mapapanood ang isang exciting scene. Malapit na dumating dito si Huo Mian."

"Sino?" sobrang naging interesado si Qin Chu pagkarinig ng pangalan ni Huo Mian.

"Bilisan mo na at pumunta ka dito. Ha, kawawa ka kapag pinalagpas mo to," mabilis na biniaba ni Gao Ran ang phone pagkatapos niya magsalita.

Tumayo si Qin Chu, nagpalit ng damit, at minaneho sa kanyang Audi R8 pa-downtown.

Walang nakitang Huo Mian si Qin Chu pagkadating sa station.

Nakatayo si Gao Ran sa may pintuan at may malaking ngiti, "Maghintay ka lang, malapit na dumating si Huo Mian."

"Anong nangyayari? Masyado nang late. Bakit siya pupunta ng police station sa ganitong oras?"

Mabilis na pumunta si Qin Chu, hindi dahil gusto niya makita si Huo Mian, nagaalala siya. Bakit pupunta ang isang babaeng katulad ni Huo Mian sa lugar na'to kahit sobrang late na? Nasangkot pa ba siya sa isang gulo?

Sasagot palang si Gao Ran, pero nakita niyang may pumasok na isang babae.

Ang ganda niya sa kanyang mahabang buhok at beige sweater.

Napansin din ito ni Qin Chu, mabilis siyang napatingin sa may pintuan.

"Hello, may natanggap akong tawag. Andito ako para piyansahan si Ning Zhiyuan palabas," medyo hoarse ang boses ni Huo Mian, mukhang hindi maganda ang pakiramdam nito.

avataravatar
Next chapter