243 Pagpigil

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Alam mo kung sino ang sinasabi ko."

"Huwag ka ngang magpatawa, walang nangyari sa amin ng karamihan sa mga babaeng iyon," alam ni Su Yu na maraming babae ang nakita ni Huo Mian na palabas pasok sa kwarto niya, kaya natural lang na maghinala ito.

"Ilan ang 'karamihan?" Tumingin si Huo Mian kay Su Yu dahil iniisip niya na nakakatawa ito.

"Bakit ko sasabihin sayo? Hindi naman kita babae." Nagmamalaking tumingala si Su Yu.

"Eww, huwag ka magsalita ng ganyan. Mas gusto ko pang patayin ang sarili ko kaysa maging babae mo."

"Ikaw…" Minsan lang manalo si Su Yu kapag nag-aaway sila ni Huo Mian, pero kahit na matalo siya, hindi siya magagalit kailanman.

"Sino ang lalaking iyon? Boyfriend mo? Hindi naman siya ganun kagwapo, siguro isa siya sa mga bastos na mayayaman," mapanghamak na tumawa si Su Yu.

"Kung ang pagkakaroon ng pera ay kayang gawing bastos ang isang mayaman, edi ikaw ay sobrang bastos na mayaman."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter