54 Pagkuha ng Marriage Certificate

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 54: Pagkuha ng Marriage Certificate

"Kung gusto mo lang ako ma-ikama, bakit kailangan mo pa akong pakasalan? Sabihin mo lang sakin kung ilang beses mo gusto matulog kasama ako." Cold na pagkakasabi ni Huo Mian, hindi niya inakala na isang oportunista rin si Qin Chu katulad ni Wei Dong. Nagsisimula na siyang masuklam dito.

"Mali ka, hindi ko gusto lang matulog kasama ka, dahil ang gusto ko ay matulog kasama ka bilang legal kong asawa at hindi parang isang sikretong karelasyon lamang."

Natahimik si Huo Mian pagkarinig ng mga sinabi niya.

"Pwede kang bumalik at pag-isipan muna ito bago ka sumagot."

"Hindi na kailangan. Pumapayag na ako. Please paki-perform na ang surgery ng kapatid ko kaagad," hindi na nag-alinlangan si Huo Mian.

"Okay, umalis na tayo ngayon. Dadaan tayo sa Evergreen Avenue papunta sa ospital. Magpapakasal tayo pagkadaan natin sa Civil Administration Bureau."

"Ngayong araw na ito?" nagulat si Huo Mian.

"Yes, may ibang araw ka pa bang naiisip?" seryosong tiningnan siya ni Qin Chu.

Shocked pa rin si Huo Mian; iniisip niya na hindi ngayong araw maganda magpakasal.

"Nag-aalala ka ba na hindi ako tutupad sa usapan? Wala ka bang tiwala sakin?" Sabi ni Huo Mian habang bitter na nakangiti.

Iniisip niya na walang tiwala si Qin Chu sa kanya at siguro inaakala nito na hindi niya ito papakasalan pagkatapos ng surgery. Pero, hindi niya alam kung gaano katagal hinintay ni Qin Chu mangyari ang araw na ito.

"Hindi, naisip ko lang na ang araw na ito ay magiging maganda. Halika na, kailangan pa natin pumunta sa ospital para sa surgery."

Pagkatapos niya magsalita, kinuha ni Qin Chu ang kanyang jacket at lumabas ng office. Tahimik lang na sumunod sa kanya si Huo Mian.

Nagulat lahat ng secretaries sa labas ng office sa kanilang nakikita.

"Sino siya? Akala ko ba ayaw ng president na may mga taong pumapasok sa kanyang opisina. Kaya bakit niya siya pinapasok?"

"Hindi ko rin alam. Hindi naman siya mukhang girlfriend ng president. Hindi rin naman siya ganoon kaganda, at simple lang manamit. Sa tingin mo ba siya ang bagong pasok na housemaid ng pamilya nila?"

"Di ka ba nag-iisip? Bakit personal na i-interviewhin ng president ang isang housemaid? Halika, tanungin natin si Assistant Yang."

Pagkatapos magchismisan ng mga secretaries, may naglakas-loob na magtanong kay Assistant Yang.

"Assistant Yang, sino yung babaeng iyon? Mukhang iba ang trato sa kanya ng President."

"Paano ko malalaman? First time ko lang din siya makita," inosenteng sagot ni Assistant Yang.

"Di ba required sa marriage registration ang household register? Hindi ko dala ang akin," mahinang sabi ni Huo Mian sa passenger seat.

"Hindi."

"Huh?" Nagulat na naman si Huo Mian. Hindi niya alam na pwede pala magparehistro ng kasal ng walang household register.

Ang totoo niyan, sobra lang talagang makapangyarihan at madaming connections si Qin Chu kaya kaya niyang magpakasal ng hubad kung gugustuhin niya.

- Sa Civil Administration Bureau -

Sa loob ng VIP reception room, isang staff member ang nagbigay sa kanila ng dalawang maliliit at pulang libro, kung saan nakapaloob ang kanilang mga marriage certificates.

"Yes, nahanap namin ang household register mo sa system namin. Congratulations sa kasal niyo."

"Tara na," good mood na kinuha ni Qin Chu ang isa sa mga pulang libro.

Sumunod si Huo Mian sa kanya, hindi pa rin ito makapaniwala. Kinasal sila ng wala ni kahit isang identification.

Sa katunayan, ang nangyari ay tumawag si Qin Chu sa assistant ng senior official, yung middle-aged na lalaki, habang papunta siya sa kanyang kotse sa parking lot.

Ito ang hiningi niyang reward mula rito.

Sobrang laking tulong ng middle-aged man na iyon, at naging maganda rin ang trato sa kanila ng Civil Administration Bureau.

- Sa loob ng isang teahouse sa Jing City -

"Sir, nagawa na namin ang utos niyo."

"Interesting itong batang to. Kakaiba ang reward na hiningi niya," sabi ng mabait at matandang lalaki na may puting buho at wrinkle lines sa kanyang mukha.

"Ang ibig ko sabihin ay, tanging mga geniuses lang ang makakaisip ng ganitong mga bagay. Lagi nilang nagugulat ang ibang tao," sumang ayon ang middle-aged man.

"Qin Chu, kailangan na natin pumunta sa ospital ngayon," pagmamadali ni Huo Mian.

"Simula ngayon, asawa mo na ako," hindi man lang niya hinintay makasagot si Huo Mian, iniangat ni Qin Chu ang mukha nito at inilapat ang kanyang mga labi rito. Pagkatapos. mabilis siyang nagdrive paalis.

Habang si Huo Mian ay naiwang tuliro sa kaniyang tabi...

avataravatar
Next chapter