21 Pagkakakilanlan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 21: Pagkakakilanlan

"Mukhang nagulat ka," ngumiti si Huo Siqian. Nakasuot ito ng white shirt at black pants, mukha siyang matikas at sophisticated.

Ngunit, sa di malaman na dahilan, ayaw dito ni Huo Mian. Mas malakas ang pagka-ayaw niya dito kaysa kay Huo Yanyan at Huo Siyi.

Sobrang magulo din kasi kung paano sila konektado sa isa't isa…

Si Yang Meirong, ang nanay ni Huo Mian, ay isang hindi ganoon kasikat na C-list actress na specialized sa mga historical period dramas noon. Hindi man siya sobrang kagandahan, may ibubuga pa rin ito at dahil bata pa nga ito, nakagawa ito ng mga pagkakamali. Isa dito ang pagiging kabit ni Huo Zhenghai, ang tagapagmana ng Huo Family. Akala niya pag nabuntis siya, mapapalitan niya ang asawa nito. Hindi niya naisip na papalayasin silang dalawa ng anak niya. 

Hindi rin kinikilala ng Huo Family ang anak sa labas na si Huo Mian.

Si Huo Siqian ngayon ang tagapagmana ng Huo Family. Bilang ampon ng asawa ni Huo Zhenghai, sobrang suportado ito ni Mrs. Huo, na kilala rin bilang isang tigress. Kaya naman kahit hindi siya anak ni Huo Zhenghai, na-eenjoy pa din niya ang high status niya sa pamilya.

Samantalang, ang mga kapatid niyang si Huo Yanyan at Huo Siyu ay anak ng paboritong kabit ni Huo Zhenghai, si Shen Jiani at paborito ng kanilang ama.

Noon, isang sikat na celebrity si Shen Jiani. Ginawa niya ang lahat at samahan pa ng talino niya, nataasan niya ang iba pang mistresses.

Ngayon, tatlo lang ang kilalang tagapagmana ng Huo Family. Walang nakakakilala kay Huo Mian maliban sa mga members ng Huo Family.

May mga pagkakataong binisita ni Huo Siqian si Huo Mian. Sinubukan pa nito bigyan siya ng pera pero hindi niya ito tinatanggap.

Maliban sa last name niya, wala na siyang ibang connection sa Huo Family.

Hindi niya rin naman tinuturing na ama yung lalaking iyon.

Mas mamahalin pa niya ang stepdad niya, si Uncle Jing.

"Bakit ako magugulat? Normal lang naman makita ang isang tulad mo, Young Master Huo sa lugar na ganito," pilit na ngumiti si Huo Mian. "Hindi ba dapat ikaw ang magulat dahil andito kaming mga ordinaryong tao lamang?"

"Huo Mian, bakit parang lagi kang may galit sakin. Bakit kaya? Sa pagkakatanda ko, lagi ako naging mabait sayo. Saka," hawak ang isang glass sa kanyang kamay, lumapit si Huo Siqian kay Huo Mian at sinabing, "based sa position natin sa pamilya, dapat tinatawag mo kong 'Kuya'."

Tumabi si Zhu Lingling kay Huo Mian, nakikinig. Wala siya sa lugar para magsalita.

"Nagpapatawa ata si Young Master Huo. Ikaw ang tagapagmana ng the great Huo family at isa lang akong commoner. Bakit kailangan natin tawagin ang isa't isa na kapatid? Kung iniisip mo na naiinis ako sayo, tama ka. Alam mo kung bakit? May mga tao talaga sa mundong ito na ayaw mo pagkakita mo pa lang sa kanya. Sa kasamaang palad, yun ang nararamdaman ko sayo."

Pagkatapos magsalita ni Huo Mian, tinalikuran nito si Huo Siqian at hindi na niya ito binigyang pansin. Inilapit nalang niya ang kanyang glass kay Zhu Lingling.

Sinubukan niya ulit makipagusap kay Huo Mian. "Hindi maganda ang pakiramdam ni Dad nitong mga nakaraang-araw. Kung may oras ka, pwede mo siya bisitahin."

"Ipaalam mo nalang sakin kapag namatay na siya. Dahil siya naman ang dahilan para mabuo ako 24 years ago, magsisindi nalang ako ng incense sa puntod niya."

Hindi makapagsalita si Huo Siqian sa mga salitang binitiwan ni Huo Mian…

Nagdilim ang mukha nito at dahil ayaw na niyang masabihan pa ng masama, umalis nalang siya.

Pagkatapos umalis ni Huo Siqian, hindi mapigilang matuwa ni Zhu Lingling, "My gosh! Girl, ang amazing mo dun! Yan ang kilala kong Huo Mian! Walang awa kahit sa kapatid pa niya."

"Sinong kapatid? Kailanman hindi ko siya tinuring na kapatid," dahil sa lungkot, uminom ulit si Huo Mian.

avataravatar
Next chapter