24 Paghahamon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 24: Paghahamon

"Okay lang yan. Aayusin natin yang buhok mo mamaya. Halika nga dito at bigyan mo na ako ng kiss."

Alam ni Huo Mian na ang mga boses na yun ay kay He Man at Ning Zhiyuan.

Kaya pala gusto niya umalis na agad. Ganito na pala ang nangyayari…

Nag-twitch ang labi niya. Natawa siya, ibinaba ang kamay na dapat gagamitin niya sa pagkatok at umalis.

Biglang may dumating na doktor galing Ophthalmology Department at papunta ito sa pinto. "Huh, Huo Mian, bakit hindi ka pumasok sa loob tutal andito ka naman na?"

"Hindi na. May iba pa akong gagawin."

Narinig ng dalawa sa loob ang pag-uusap sa labas. Mabilis na umalis si He Man sa lap ni Ning Zhiyuan, inaayos niya ang kanyang collar at buhok.

Biglang pumasok, si Doctor Zhu, isang ophthalmologist. Habang nakatingin kay He Man, sinabi niya kay Ning Zhiyuan, "Nakita ko ang fiancé mo."

"Talaga?" sagot ni Ning Zhiyuan at kita ang kawalan ng interes nito.

"Kayong dalawa… okay lang ba talaga kayo? Diba dapat ikakasal na kayo?"

"Hindi na."

"Sabihin mong nagbibiro ka lang…" nagulat si Doctor Zhu.

"Humph, wala ako nakikitang rason para sumama pa sa babaeng yun," tumayo si Ning Zhiyuan at sinuot ang lab coat paalis.

Sumunod si He Man sa kanya.

Sa pagkakakita niya, napailing si Doctor Zhu, nalulungkot. Bakit ang mga kabataan ngayon parang wala lang sa kanila ang isang relasyon. Ano nang nangyayari sa mundo?

"Doctor Ning, talaga bang… nakipag-break ka na kay Huo Mian?"

"Ano sa tingin mo?"

"Edi maganda! Ngayon, wala ng makakapagsabi na isa lang akong 'other woman'. Kailan mo sasabihin sa buong ospital na tayo na?" pag-aangal ni He Man na may onting paghaharot.

Tiningnan siya ni Ning Zhiyuan, "Bakit ka nagmamadali? Hindi ba masaya na naglilihim tayo?"

"Napakasama mo talaga! Talagang-talaga…" kinurot ni He Man ang kamay ni Ning Zhiyuan habang natili.

Bilang isa sa mga assistant nurses sa Opthalmology Department, matagal na niyang crush si Ning Zhiyuan at sa kadahilanang: gwapo at matalino si Ning Zhiyuan.

Idagdag pa dito, ang mga magagaling niyang surgery performances kahit noong intern palang siya na soon-to-be attending physician. Kaya paniguradong tataas ang posisyon nito sa department.

Bago pa mangyari ito, lagi siyang naghahanap ng pagkakataon para makalapit dito. Kaso, si Huo Mian lang ang laging tinitingnan ni Ning Zhiyuan.

Halos mamatay siya sa inggit, tuwing pinapanuod niya bumili si Ning Zhiyuan ng midnight snacks para kay Huo Mian. Basta pag gutso kainin ni Huo Mian, paniguradong bibilihin ito ni Ning Zhiyuan kahit pa ma-sacrifice nito ang kanyang tulog pagkatapos ng night shift. Isa siyang perfect boyfriend.

Ngayong nagkaroon na siya ng chance, hindi niya ito hahayaang mawala pa.

Sa loob ng nurse's dressing room--

Nakaupo si Huo Mian nagpapahinga, nakasandal ito at may hawak na isang basong tubig sa kanyang kamay. Kasalukuyang lumilipad ang utak niya.

Pagkapasok ni He Man, natuwa siyang makita mag-isa naka-upo si Huo Mian.

"Ate Huo Mian."

"Ano yun?" humarap sa kanya si Huo Mian na walang bakas ng emosyon.

"Huo Mian. Si Doctor Ning at ako…"

"Alam ko na ang lahat. Ano, gusto mo bang i-congratulate kita?" umismid si Huo Mian.

Nagulat si He Man. Pakiramdam niya iba si Huo Mian ngayon, malayo sa pagiging malumanay niya.

"Hindi yun ang ibig ko sabihin. Ang gusto ko lang iparating ay wala akong ginawang masama. Kahit wala ako, hindi pa rin mananatili si Ning Zhiyuan sa tabi mo. Sinabi niya yun sakin; sobrang nag-aalala siya pag hindi virgin ang mapapangasawa niya."

"Talaga? Based sa pagsasalita mo, may nangyari na sa inyo, tama ba ko? Kasi, hindi ka lalapit sakin para parangalan ako," pagtalikod niya kay He Man, inangat ni Huo Mian ang baso papunta sa kanyang labi at uminom.

Dahil ayaw magpatalo, sinabi ni He Man, "Syempre, virgin ako. Sabi ni Doctor Ning magpapakasal kami."

"Ano naman?" tumayo si Huo Mian at malamig ang tono nito.

"Wala lang, gusto ko lang sabihin ay – ako ang nanalo sa laban na 'to. Kaya sana wag mo na abalahin si Doctor Ning. Tutal, hindi naman na kayo. Ang isang babaeng nasa katinuan ay hindi desperada sa isang lalaki," pagbabanta ni He Man.

Pagkatapos niya marinig ito, ngumiti ng sobrang tamis si Huo Mian.

Nagsi-tayuan ang mga balahibo ni He Man.

"Bakit ka nakangiti?"

"Sabi ng nanay ko dapat ibigay ko nalang yung mga di ko gustong laruan sa iba na mas less fortunate sa akin kasi nakakaawa sila."

"Ikaw…" hindi matapos ni He Man ang kanyang sasabihin. Hindi niya inakala na ang isang gentle nurse na katulad niya ay may tinatago din palang angas.

"Excuse me, padaanin mo ko. May trabaho pa kong kailangan gawin," pagkasensyas, kalmadong lumabas si Huo Mian sa dressing room.

Sa totoo lang, hindi siya ganun kalungkot tungkol sa hiwalayan nila ni NIng Zhiyuan. Naging mabait si Ning Zhiyuan sa kanya ng ilang taon kaya naman sinubukan niya ayusin ang lahat. Ngunit, dahil humantong na sa ganito ang lahat, titigil na siya. Bakit pa niya ipipilit ang sarili? Hindi niya style ito.

Sa labas ng delivery room ng Obstetrics and Gynecology Department-

"Huo Mian," bago pa makapasok si Huo Mian para tumulong sa pagpapa-anak, pinigilan siya ng head nurse.

"Head nurse, tinawag niyo raw ako?" tumalikod si Huo Mian.

"Pinapatawag ka ng Director sa office niya," maliwanag na pagkakasabi ng head nurse.

"Gusto ako makita ng director?" nagulat si Huo Mian pero mas naguguluhan siya. Ang sabi-sabi ay sobrang busy nito kaya dalawang beses lang ito makikita sa ospital at kahit ang head nurse hindi pa siya nakikita ngayong taon. Kaya bakit niya ako pinapatawag? Anong nangyayari.

avataravatar
Next chapter