182 Pag-alis

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hula ko hindi mo inasahan na malalaman ko kaagad, hindi ba?"

"Anong ibig mong sabihin, hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo," umiwas ng tingin si He Man, kita ang pagkakonsensya nito.

"Inaamin ko, iniisip ko kung sino ang galit sa akin na kayang gawin ang ang ganitong bagay. Si Ning Zhiyuan ang nanakit sayo, kaya dapat ang pinupuntirya mo ay yung taong may atraso sayo, hindi yung gumagawa ka ng mga karumal-dumal na mga bagay sa likod ng mga tao."

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Tabi, uuwi na ako." Ayaw na ipagpatuloy ni He Man ang kanilang usapan.

Pero, hinarangan siya ni Huo Mian, mukhang ayaw siya paalisin nito..

"Magaling ka sa pagset-up at pangloloko sa lahat. Nilinlang mo ang mag-asawa, napagbintangan si Wu Xiaoxue, at inilagay mo naman ako sa alanganin. Itinulak mo ako sa dulo ng bangin. Maganda rin ang plano mo, dalawa kaming masisira kung sakali. Pero sayang, masyado mo kasi akong minaliit."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter