19 Pag-alis

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 19: Pag-alis

"Hindi ko alam na ganun ang mangyayari."

"Qin Chu, hayaan mo na ako. Seryoso ako. Naging maayos ang buhay ko sa loob ng seven years na wala ka. Ngayong bumalik ka, ang una mong ginawa ay guluhin ang pamilya ko. Alam mo bang nagsisisi ako na naging tayo? Dapat pala naging matalino ako na huwag makipagrelasyon galing sa isang mayaman na pamilya. Kung hindi dahil sa relasyon natin, buhay pa sana ang stepfather ko at hindi ako kakamuhian ng nanay ko. Seven years na ang nakalipas pero galit parin siya sa akin. Ngayon, namumuhay ako ng tahimik kaya please lang, lubayan mo na ako."

"Yan ba talaga ang gusto mo?" tanong ni Qin Chu kay Huo Mian, puno ng lungkot ang mga mata nito.

Itinikom ni Huo Mian ang kanyang mga labi at dahan-dahan sumagot, "Oo, gusto ko. Malapit na akong ikasal kay Ning Zhiyuan. Tatlong taon na rin kaming nagsasama at maayos ang relasyon namin. Huwag ka ng mamuhay sa nakaraan."

Pagkatapos marinig ni Qin Chu lahat ng sinabi ni Huo Mian, nanatili lang itong nakaupo at walang imik.

"Hindi na pala kita kikitain kailanman kasi wala namang rason na. Pag ginulo mo ulit pamilya ko, tatawag na ako ng pulis. Ayun lang," pagkatapos magsalita ni Huo Mian, naglabas ito ng 100 yuan at iniwan ito sa table pagka-alis.

Hindi pa rin nagbabago ang ugali nito simula seven years ago. Ang mga desisyon niya ay hindi alanganin o walang ingat.

Ayan ang kakaibang babaeng minahal ni Qin Chu…

Kung ano man ang nangyari sa bahay ng nanay niya, baka hindi niya lang naintindihan ang intensyon niya. Gusto niya lang talaga humingi ng tawad tungkol sa mga nangyari dati.

Hindi ganun kalaki ang isang milyong yuan sa kanya pero mas mapapadali nito ang mga buhay nila. Ngunit, hindi ito tinanggap ng nanay ni Huo Mian at pinagmumura pa siya nito. Alam niyang hindi siya ang pumatay sa stepfather ni Huo Mian pero siya ang pinaka-dahilan kung bakit nangyari iyon.

Hindi na mabubuhay ang patay kaya naiintindihan niya ang galit ni Huo Mian.

Naiwang naka-upo mag-isa si Qin Chu nang matagal habang nakatingin sa dalawang baso sa mesa bago siya umalis sa cafe.

Pagkatapos nila mag-usap, bumalik si Huo Mian sa apartment na may mabigat na nararamdaman.

Pakiramdam niya sobrang prangka niya pero hindi siya sure kung tatanggapin ba ni Qin Chu ang mga sinabi niya.

Hindi nila nakita ang isa't isa sa loob ng seven years at madaming nangyari noong mga panahon na yun. Wala ba siya naging girlfriend sa abroad?

Bigla nalang dumami ang kaniyang iniisip…

Bumalik siya sa ulirat nung narinig niyang umiikot ang doorknob.

Binuksan ni Ning Zhiyuan ang pinto at pumasok, hindi ito nagulat na nasa bahay si Huo Mian.

"Zhiyuan, dumating ka na pala. Anong gusto mong kainin?"

"Mhm," sagot niya at may kakaiba itong expression sa kanyang mukha habang papasok ng bedroom.

Hindi niya pinansin si Huo Mian, nakaupo ito sa may sofa sa living room…

Sinundan siya ni Huo Mian, "Madami ka bang surgeries ngayong araw? Pagod ka ba?"

Hindi sumagot si Ning Zhiyuan; binuksan niya ang closet at nagsimulang mag-impake.

"Zhiyuan, anong ginagawa mo?"

"Hindi na ako titira dito simula ngayon," cold niyang sinabi.

"Bakit hindi?"

"Dahil ayoko na makita ang pagmumukha mo," simple lang ang sagot nito pero mapanakit.

Natahimik si Huo Mian…

"Titira ako sa isang bagong bahay at iiwan ko lahat ng furniture at appliances dito. Wala akong plano ibalik ang down payment mo. Madami na akong nagastos sayo nitong nakalipas na tatlong taon, kaya naman kukunin ko itong down payment bilang kabayaran. Simula ngayon, wala na tayong utang sa isa't isa."

"Zhiyuan, hindi pera ang problema dito."

"Pero ang problema dito ay wala akong pera. Haha, gaano ba kayaman yang ex mo? Siya ang prince ng GK business, di ba? Huo Mian, masyado kitang minaliit. May bigatin ka palang ex-boyfriend, kaya bakit ka nagtitiis sakin? Ginagamit mo lang ba ako bilang pampalipas oras?"

avataravatar
Next chapter