3 Pag-aalala

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 3: Pag-aalala

"Oh god, tama ba itong nakikita ko? Yung taong yan ay si... Qin Chu?" May isang babaeng napatili na nakuha ang atensyon ng lahat mula sa pagka-shock ng mga ito.

"Qin Chu… si Qin Chu nga yan," pagkakaulit ng isa pang babae dahil sa excitement.

Halos di makagalaw si Huo Mian habang nakatingin sa silhouette sa may pintuan. Mas kapansin-pansin siya ngayon kaysa dati. Imposibleng di mo siya mapansin o titigan dahil sa kanyang taglay na aura. 185 centimeters ang kanyang tangkad, nakasuot ng black dress shirt at pants. Simple at maayos ang pananamit at bagay na bagay ang maikling buhok sa kanya. Ilang beses na din nakita ni Huo Mian sa panaginip niya ang kanyang chiseled cheeks, matangos na ilong, manipis na labi at ang mga naglalaliman niyang mata.

Ngayong nakita na niya siya sa personal, hindi siya makapagsalita. Sa pagkakataong ito, pakiramdam niya kakawala na ang puso niya sa kanyang dibdib.

 "Mian, ano ulit yung sinabi ko? Speak of the devil and he shall appear. Ang cheesy naman nito para tayong nasa soap opera," sabi ni Zhu Lingling kay Huo Mian pagkatapos mawala ng pagkagulat niya. Marahan niyang hinawakan ang braso ni Huo Mian. Ngunit, walang kibo si Huo Mian. Ang kanyang tingin at isip ay na kay Qin Chu lamang.

Parang wala halos pinagbago ang itsura niya kahit 7 years na ang nakalipas, maliban sa kaunting pagmature ng mukha nito, na nagpapakitang tumanda rin siya. Siya ay ngumiti, malayo sa supladong Qin Chu noong kabataan niya na halos ayaw magpakita ng emosyon. Sinadya niya bang magbago? O oras ang dahilan nito?

Inikot ni Qin Chu ang kanyang tingin sa buong lugar ngunit hindi man lang ito huminto noong napadaan kay Huo Mian, na para bang katulad lang din siya ng iba pa nilang kaklase. Medyo nalungkot si Huo Mian sa inasal niya.

"Long time no see," sabi ni Qin Chu pagkatapos tingnan ang buong kwarto.

"Oh god, my darling, talaga bang bumalik ka na? Nananaginip ba ako? Saan ka ba nagpunta nitong mga nakaraang taon?" Excited na tanong ni Siying habang papunta kay Qin Chu.

Alam ng lahat na sobrang gusto ni Liu Siying si Qin Chu simula pa noong high school. Siya ang rason bakit hindi ito nakipag-usap kahit isang beses man lang kay Huo Mian sa buong high school nila. Tinuring niyang arch nemesis si Huo Mian at hanggang ngayon wala pa ring pagbabago rito. Pagkakita niya kay Qin Chu ay dali-dali siyang dumamba dito na parang isang asong naghahabol ng buto.

Pinaligiran din ng ibang babae si Qin Chu, hindi mapagkakaila na halos lahat ay tipo ang lalaking katulad niya.

"Nag-aaral ako sa United States nitong mga nakaraang taon," casual na sagot ni Qin Chu sa mga tanong ng lahat. 

Halos 7 years ding nawala si Qin Chu. Ni isa walang nakakaalam, kahit ang kanyang high school sweetheart na si Huo Mian, hindi alam kung saan siya nagpunta.

Ang class president, si Hanxu ay nakangiting naglakad at sinabing "Masaya akong makasama ka ulit. Ito na ata ang halos pinaka-kumpleto nating klase. Halika, Ms. Yao, maupo ka muna. Pwede naman tayo mag-usap habang kumakain. "

Inalalayan ni Qin Chu si Ms. Yao umupo sa main seat bago siya umupo sa kanyang kanan. Bago pa maka-upo si Han Xu sa kanyang kaliwa, narinig niyang tinawag ni Ms. Yao si Huo Mian.

"Ms. Yao?" Sagot ni Huo Mian habang tumatayo.

"Halika, maupo ka sa tabi ko." Sinenyasan siya ni Ms. Yao pumunta.

Nagulat si Hanxu. Buti nalang, naintindihan niya agad ang pangyayari at sinunod si Ms. Yao. "Halika dito, Mian. Ang tagal na din simula noong nagkita tayo. Bakit hindi ka maupo dito at mag-usap tayo?"

Tumango si Huo Mian at naglakad papunta doon kahit labag sa kanyang kalooban. Sa bawat hakbang, lumalakas ang tibok ng puso niya. Palapit na siya ng palapit kay Qin Chu…

Siguro sa sobrang kaba niya, pagkaupong-pagkaupo niya, natabig niya ang wine glass at nabasag ito sa lapag.

avataravatar
Next chapter