366 Oh, Kasal na pala siya (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Head Nurse, huwag kang mag-alala, kumain ka lang. Ako na ang magbabantay para sayo."

"Ayos lang, hindi ako nagugutom. Bakit hindi nalang ikaw ang kumain nito?"

"Um… paano? Masyadong marami ito." Medyo nahihiya ang nurse.

"Kunin mo na, ayoko kasing tumaba, haha, diet ako." Biglaang nag-isip si Huo Mian ng dahilan.

"Sige, kukunin ko na. Salamat, Head Nurse."

Pagkatapos, masayang dinala ng nurse ang mga midnight snack sa opisina…

Nababagot, tumingin-tingin si Huo Mian sa kanyang WeChat friend circle; ang ospital kasi ay tahimik ngayon.

Pagkatapos, binuksan niya ang kanyang Weibo na matagal na rin niyang hindi nagamit at napansin na may nagpadala ng pribadong mensahe sa kanya galing sa hindi niya kilala.

"Masarap ba ang paa ng baboy?"

Pinadala ito tatlong minuto ang nakakalipas – ang taong nagpadala nito ay may 'verified na tag' sa profile nito; ito ay ang President ng Imperial Star, si Su Yu.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter