81 Nililigawan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 81: Nililigawan

"Magkakilala ba tayo?" nagtatakang tanong ni Huo Mian.

Ang lalaking doktor ay nakasuot ng itim na salamin at mukha itong nahihiya…

"Siguro hindi mo ako kilala. Hayaan mo akong magpakilala sayo, ako si Zhu Cheng. Isa ako sa mga doktor sa Opthalmology Clinic. Nakita na kita ng maraming beses tuwing bumibisita ka sa aming clinic. Ikaw ang dating girlfriend ni Dr. Ning, tama? Narinig ko na naghiwalay na kayo kaya naisip kong ngayon na ang aking pagkakataon. Matagal na kitang gusto. Mahinhin ka, cute, maganda at maganda rin ang pangangatawan mo. Ikaw ang tipo ko."

Naglakad ng bahagya ang lalaking doktor bago iniabot kay Huo Mian ang bouquet ng mga rosas.

Nagulat si Huo Mian… mala-soap opera itong nangyayari.

Hindi mapigilan ng mga nurse sa kanyang likod ang magtawanan…

Tiningnan ni Huo Mian ang mga rosas at ibinalik ulit ang tingin kay Dr. Zhu at sinabing, "Sorry, pero hindi ikaw ang tipo ko."

"Ano ba ang tipo mo? Kaya kong magbago," ayaw sumuko ni Dr. Zhu.

Ikinumpas ni Huo Mian ang kanyang kamay at sinabing, "Hindi, hindi, hindi mo kailangan magbago. Kung ano man ang tipo mo, babaguhin ko pa rin ang sarili ko. Hindi bale, salamat. Hindi ko matatanggap ang mga bulaklak na'to."

"Huo Mian, pakiusap, pag-isipan mo ang mga sinabi ko."

"Hindi, ayos lang iyon. Nagmamadali ako at kailangan ko na bumalik sa trabaho. Aalis na ako. Salamat."

Hindi na hinintay ni Huo Mian ang sagot ni Dr. Zhu at nagmadali itong lumabas ng pinto at nagtago sa loob ng OB/GYN clinic.

Kitang-kita na nalungkot si Dr. Zhu. Nakatayo ito habang nakasandal ang ulo nito sa may pintuan.

Nilapitan siya ni Huang Yue at sinabi, "Hoy, Mr. Dork, tigilan mo na ang kakaisip kay Huo Mian. Hindi ikaw ang tipo niya. Umuwi ka na at tingnan mong mabuti ang sarili mo sa salamin. Hindi mo kasalanan na pangit ka, pero mali na lumabas ka at manakot ng iba."

Pagkatapos, tumakbo si Huang Yue habang tumatawa.

Medyo nagulat si Dr. Zhu. Makalipas ang ilang sandali, mabagal siyang naglakad habang hawak ang mga rosas sa kanyang kamay.

Matagal na siyang may gusto kay Huo Mian. Dati, kapag nakikita niyang nakikipag-usap si Huo Mian kay Ning Zhiyuan, napansin niya na mayroon siyang mga dimples tuwing siya ay ngumingiti at ito ay nagbibigay sigla kanya. Nang sinabi ni He Man sa kanya na hiwalay na sila Huo Mian at Ning Zhiyuan, nagpagdesisyunan niyang aminin ang kanyang totoong nararamdaman.

Hindi niya inakalang hindi man lang nito siya bibigyan ng pagkakataon…

Totoo, medyo pangit si Dr. Zhu, pero hindi iyon ang punto. Kahit na isang sobrang gwapong lalaki ang humarap kay Huo Mian ngayon, hihindi pa rin siya.

Mayroon na kasing lalaking nakatanim sa loob ng puso niya 7 years na, at walang makakapalit sa kanya.

Pagkatapos ibigay ni Qin Chu ang merienda, dumiretso siya sa airport dahil kailangan niyang humabol sa flight papunta sa ibang lungsod.

Hindi maintindihan ng kanyang assistant kung ano ang balak ng kanyang boss. Buong umaga nagtrabaho si President Qin, ni hindi ito kumain ng pananghalian bago umalis, at sakto lamang ang dating nito sa airport para makaakyat ng eroplano. Pakiramdam ni Assistant Yang palaging nagpapaka-misteryoso si President Qin.

Baka may kabit siya? Iyon ba yung babaeng pumunta nung nakaraan? Isip ni Yang.

"President Qin, ito ang kontrata na iyong pipirmahan kasama ng iyong client sa inyong meeting mamayang hapon. Ito ang mga dokumento, maaari mong tingnan ang mga detalye habang ikaw ay nasa eroplano.

"Sige."

"President Qin, hindi ka pa kumakain ng pananghalian. Gusto ko sana kumuha ng pagkain ngunit huli na. Bakit hindi ka kumain sa eroplano? Narinig ko na masarap ang pananghalian sa first-class."

""Sige," tumango si Qin Chu. Mukhang maganda ang mood nito.

"Nakakuha ka ba ng flight pabalik?"

"Um…hindi pa," ang tanging pabalik lang na flight ay lagpas na ng 12 AM at hindi ito lalapag hanggang 3 AM. Natatakot ako na baka hindi ka makapagpahinga, kaya kinuha kita ng kwarto sa hotel. Mas maganda kung bukas ka na lumipad pabalik."

"Hindi na kailangan. Kanselahin mo na ang kwarto sa hotel at ikuha mo ako ng 12 AM na flightt."

"President Qin, masyado ka naman atang nagmamadali 'yan. Mapapagod ka."

"I-book mo na ang flight," pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod na si Qin Chu at naglakad papunta sa VIP entrance.

Walang masabi si Assistant Yang sa katigasan ng ulo ng presidente.

Gaano kagusto ni President Qin sa kanyang bahay at handa siyang lumipad ng hatinggabi? Ayon sa mga nakalipas sa obserbasyon, mukha namang hindi gaanong malapit si President Qin sa kanyang mga magulang…

- First Hospital – 

Paalis palang sa trabaho si Huo Mian, nang nakatanggap siya ng tawag mula sa isang taong inutusan ni Qin Chu para sumundo sa kanya.

Hindi niya alam na nagpadala ng mga bodyguards si Qin Chu dahil sa pag-aalala sa kanyang kaligtasan.

Kahit na maikli lang ang biyahe mula ospital hanggang bahay, nag-aalala pa rin si Qin Chu.

 

"Miss Huo, dito po," sabi ng dalawang nakaitim na bodyguards habang nakaturo sila sa isang Mercedes-Benz.

Pakiramdam ni Huo Mian ay gumagawa sila ng eksena…

Pagkadating niya sa bahay, naghilamos siya. Nang umupo siya sa sofa para magpahinga, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa kanyang ina.

"Ma, anong nangyari?" kinakabahang tanong ni Huo Mian. Natatakot siya na baka may nangyari sa kanyang kapatid.

"Pumunta ka sa Huo Family mamaya," seryoso ang tono ni Yang Meriong.

Bumagsak ang dibdib ni Huo Mian. Ang Huo Family? Ang pamilya na wala ni kahit isang katiting na pagmamahal at kabutihan? Pinababalik siya doon?

avataravatar
Next chapter