310 Nasobrahan sa Pagsasaya (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi sumagot si Su Yu. Sa halip, tumingin siya sa magandang mukha ni Huo Mian, ang mga mata niya ay puno ng iniisip. Pero, walang nakakaalam kung ano ito.

Nagmamadaling umalis si Huo Mian sa bahay at malakas ang hangin ngayong gabi kaya nagsuot lang siya ng kaswal na damit.

Nakakabagot na mga kulay ang itim at puti, pero mukha siyang socialite sa suot niya, Inaamin niya, hindi lahat ay taglay ang aura ni Huo Mian.

Ang buhok nito ay simpleng naka-ponytail kaya mukha siyang bata at cute.

Ang suot naman nito ay nakakabagot pero dahil emergency ito, sinuot nalang niya ang kahit na ano at hindi na inisip kung ano ang itsura niya.

Pero, gusto pa rin siya tingnan ni Su Yu.

Iniisip ni Su Yu na sobrang ganda ni Huo Mian ngayong gabi…

Sa totoo lang, dahil nahulog na ang loob ni Su Yu para sa kanya, kahit magsuot pa si Huo Mian ng tapunan ng basura, magagandahan pa rin siya rito.

Iyon ang kagandahan ng kasabihan na, 'bulag ang pag-ibig'.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter