309 Nasobrahan sa Pagsasaya (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Saan nanggaling ang loka-loka na ito, baliw ba siya?" Sinampal siya nito nung una at pagkatapos inaway pa siya nito kaya nagulat si Deng Kai.

Masyadong madaming nainom si Deng Kai at sobra siyang nagsaya kaya nakalimutan niya na lagi binabanggit ni Zhu Lingling ang pangalan ng kanyang bestfriend na si Huo Mian.

Kaya naman, wala siyang ideya kung sino si Huo Mian…

Pagkatapos, hindi pinansin ni Huo Mian ang mga nakapaligid sa kanila at lumapit kay Zhou Guangming. Hinila niya si Zhu Lingling na medyo wala sa wisyo mula sa yakap ni Zhou Guangming.

"Lingling, tara."

"Sandali lang." Nagdilim ang mukha ni Zhou Guangming.

Hindi tumigil si Huo Mian; dumiretso siya sa pinto pero hinarangan siya ng mga tao ni Zhou Guangming.

"Baliw ka ba? Kinuha mo ang taong nasa bisig ko at sa tingin mo ba bulag ako?" Nasa gitna na si Zhou Guangming ng kanyang pagsasaya nang dumating ang babaeng ito at sinira ang lahat. Syempre, galit siya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter