238 Nakaramdam ng Pagkaawa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sinasabi mo ito na parang mas alam mo ang mas makakabuti sakin," malamig na sagot ni Huo Mian.

Natahimik si Huo Siqian…

"Seryoso ako, Mian."

"Ako rin. Sinabi mo nga sakin dati na huwag akong lumapit kay Qin Chu. Sa mga mata mo kasi, wala ng mas hihigit pa sayo bilang lalaki."

"Pero sasaktan ka lang talaga nila."

"Sino ang hindi mananakit sakin? Ikaw?" Magalang na sagot ni Huo Mian.

"Kung gusto mo bumalik, poprotektahan kita."

"Whoa. Tigil. Sa tingin mo ba, hindi ko alam ang pinaplano mo? Nakita mo naman ang anunsyo ko ngayong araw. Simula ngayon, ayoko na ng kahit anong interaksyon sa Huo Family. Mas mabuti kung aalagaan mo ng sarili mo."

Ibinaba ni Huo Mian ang phone kaagad pagkatapos niya magsalita…

Habang pababa siya, saktong dumating ang kotse ni Qin Chu sa harap.

Lumabas si Huo Mian, binuksan ang pinto at umupo sa passenger seat.

"Anong problema?" Tanong ni Qin Chu dahil napansin niya na hindi ito masaya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter