369 Nakakainis ang pagiging Rasyonal mo (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sabi ni Gao Ran, binlock mo raw siya sa WeChat."

"Oo, problema ba yun?" Tanong ni Zhu Lingling.

"Syempre hindi; hindi ka kasi makontak ni Gao Ran kaya tinanong niya ako kung ano ang nangyari. Bakit ba kasi kayo nag-aaway?"

"Hindi naman ha, ayoko lang talaga siyang makita."

"Edi dapat binlock mo na siya dati pa, bakit ginawa mo lang ito pagkatapos sumingit ng girlfriend niya sa pagkain natin ng tanghalian? Hoy, may nararamdaman ka ba para sa pulis ng taumbayan?

"G*ga, wala akong gusto sa kanya." Kaagad namang itinanggi ito ni Zhu Lingling.

"Hayaan mo na nga, matatagalan pa kapag ipinaliwanag ko pa sayo ang nangyari sa pagitan namin. Wala ka bang trabaho bukas?"

"Oo, night shift ako ngayon at off naman ng buong araw bukas."

"Mabuti yan, lumabas tayo at kumain ng masarap. Medyo hindi kasi maganda ang mood ko nitong mga nakaraang araw at gusto kong pag-usapan natin ang tungkol dito."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter