9 Mga Lamat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 9: Mga Lamat

"Hindi Zhiyuan, hayaan mo kong magpaliwanag. Hindi ito katulad ng iniisip mo!" madalas ay kalmado si Huo Mian. Ngunit kapag tungkol na ito sa mga nangyari seven years ago, naguguluhan siya at halos walang masabi tungkol dito.

"Huo Mian, hindi ka naman sinungaling kaya bakit ka nagsisinungaling sa kanya? Kailangan mo nang sabihin ang lahat ng tungkol sa'tin dati," may halong pagyayabang ang boses ni Qin Chu.

"Huo Mian, hayaan mo kong itanong ito sayo. Ex-boyfriend mo siya, di ba? Nahawakan ka na ba niya o hindi? Nahalikan? Ano?" naglakad si Ning Zhiyuan papunta kay Huo Mian. Sa tagal niyang pagkakakilala dito, ngayon niya lang nakita ito ng ganito ka-seryoso. Halos makapatay ang mga tingin nito.

Matagal na ding naging sila Ning Zhiyuan at Huo Mian, madalas lang nilang ginagawa ay maghawak-kamay at kiss; hindi pa nila nagagawang galawin ang isa't isa. Siguro, dahil may pagka-traditionalist si Huo Mian at si Ning Zhiyuan, kasal ang nasa isip, kaya ito nagtitiis. Ngayon, narinig niya na yung babaeng tinuturing niyang diyosa ay nagalaw na ng iba, hindi na niya mapigilan ang kanyang galit.

Nag-uumapaw sa galit ang dibdib ni Ning Zhiyuan, halos wala nang kulay ang mukha nito. Ayaw naman talaga magsinungaling ni Huo Mian kay Ning Zhiyuan. Nahalikan siya ng labag sa loob niya. Kaso kung sasabihin niya ang totoo ngayon, baka mas lalo silang hindi magkaka-intindihan.

Habang nahihirapan siya kung paano ipapaliwanag kay Ning Zhiyuan ang lahat nang naiintindihan niya, nagsalita na naman si Qin Chu na parang isang devil galing sa impyerno.

"Mukhang hindi mo rin alam na may nangyari samin, seven years ago?"

Parang isang bomba ang mga binitawan na mga salita ni Qin Chu, halos wala nang matira sa katinuan ni Huo Mian.

Hindi niya kailanman naisip na sasabihin ni Qin Chu ang mga nangyari seven years ago na parang wala lang ito at mukha rin siyang walang pakialam. Hindi dapat ito nangyayari – hindi ito ang gagawin ni Qin Chu. Sobrang nagbago na ba talaga siya sa loob ng seven years na nakalipas.

"Qin Chu, kailan ka pa naging walanghiya…" sa pagkagulat, hindi na natapos ni Huo Mian ang sinasabi. 

"Loko ka! Anong sinabi mo?" namumula ang mga mata ni Ning Zhiyuan habang hinahatak nito ang kwelyo ni Qin Chu gamit ang isang kamay. Hinagis niya ang cola at inihaw na mais sa isang tabi.

Ngumiti si Qin Chu habang tinitingnan si Huo Mian.

"Mukhang hindi pa kayo nakakalayo ha. Ibig sabihin ba nito hindi ka ganoon kagusto ni Huo Mian, heh."

"G*go! Anong sinabi mo? Papatayin kita!" sinuntok ni Ning Zhiyuan ang mukha ni Qin Chu.

Mabilis na naiwasan ni Qin Chu ang suntok. Pagkatapos, sumugod at sumuntok ulit si Ning Zhiyuan. Ngunit sa pagkakataong ito, masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na naka-ilag si Qin Chu.

"Napaatras si Qin Chu ng ilang hakbang. Pinunasan nito ang dugo sa gilid ng kanyang labi sabay sabi,"tinanggap ko itong suntok mo dahil inalagaan mo si Huo Mian sa mga nagdaang taon pero di ka na makakakuha pa ng ibang chance."

"Sige, suntukin mo din ako. Tara! Anong karapatan mo tratuhin si Huo Mian nang ganyan? Kahit ex ka pa niya, lahat yun nasa past na. Bakit nga ba ginugulo mo na naman siya?" Sobrang galit na si Ning Zhiyuan pero inaamin niya na halos mawala siya sa katinuan nung narinig niya na may nangyari sa pagitan nila noong nakaraan.

Seven years ago. Ilang taon ba si Huo Mian noon? Eighteen? Wala pa siyang kamuang-muang na high school student…

Walang lalaki ang umaatras sa laban lalo na pag may nanghihimasok sa relasyon. Kahit si Ning Zhiyuan ay di naiiba.

Hindi niya pinansin ang mga banta ni Qin Chu, sinugod niya ito na parang nababaliw na hayop.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi umiwas si Qin Chu at sinuntok ang mukha ni Ning Zhiyuan habang papunta ito sa kanya. Makikita nalang si Ning Zhiyuan na nakahiga sa sahig.

avataravatar
Next chapter