132 Mga Kahihinatnan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagulat si Huang Yue…

"Sino ang on-call na doktor ngayong gabi?" Lumabas si Huo Mian nang may suot na surgical mask pagkatapos niya magpalit.

"Si Wu Xiaoxue dapat."

"Bakit umalis siya kahit kalahati palang ng shift niya? HIndi ba dapat nagtatrabaho siya buong gabi?" Medyo sumimangot si Huo Mian.

"Siya ang pamangkin ng direktor ng ospital, kaya ba namin siyang pigilan? Mukhang may kailangan siya gawin sa ibang lugar, kaya umalis siya," sagot ni Huang Yue.

Kinuha ni Huo Mian ang phone sa opisina at tinawagan si Wu Xiaoxue pagkatapos hanapin ito sa phone directory.

Nagring ito sa loob ng limang segundo bago may sumagot.

"Hello…?" Tunog bagong gising si Wu Xiaoxue.

"Dr. Wu, kailangan ka namin dito para mag-opera. Ang buhay ng isang pasyente ay nasa panganib, nagdudugo siya..." Bago pa makatapos si Huo Mian, sinabat na siya ng tao sa kabilang linya.

"Baliw ka ba? Alam mo ba kung anong oras na?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter