194 Mga Hadlang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Bakit bigla mo siyang gusto bilhan ng kotse?"

"Kasi mahilig siya sa kotse?"

"Ano naman? Bata pa siya, hindi niya kayang pumunta kung saan-saan nang may mamahaling kotse," pagtanggi ni Huo Mian.

"Pwede naman natin siya bilhan ng simpleng kotse."

"Kahit na."

Hindi alam ni Huo Mian na narinig ni Qin Chu ang usapan nila ni Zhu Lingling kahapon.

Alam ni Qin Chu na sobrang mahal ni Huo Mian ang kanyang nakakabatang kapatid, kaya gusto niya may gawin para rito.

Ngunit, hindi na nagsalita si Qin Chu nang makita kung gaano katigas si Huo Mian tungkol dito.

Pagkatapos maligo, ang dalawa ay humiga sa kanilang kama.

Simula noong araw na nabigo si Qin Chu at nagalit, lagi na siyang natutulog sa kama ni Huo Mian.

Mga ilang araw na rin silang ganito.

Minsan maghahawakan sila, at matatawag ng iba ang pagkabigo na ito bilang blessing in disguise.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter