137 Mapapatalsik

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oo, mahal ito. Sobrang mahal," sinadyang bigyan diin ito ni Qin Chu.

"Sabi na nga ba mahal ito pagkakita ko palang sa balot. Pero masarap ito, alam mo yung sinasabi nila 'may mga bagay na mahal, pero sulit naman ang pera mo'. Katulad ng Hagen Daaz ice cream, may rason kung bakit ito mahal."

"Ang pag-overtime sa trabaho ay sobrang nakakapagod, kailangan mo kumain ng maayos na pagkain."

"Kung yan ang kaso, dapat ubusin ko yung natitira." Pagkatapos, sinimulan ulit kainin ni Huo Mian ang mga natitirang xiaolongbao at shrimp dumplings.

Hindi alam ni Qin Chu kung matatawa siya o maiiyak…

Pagkatapos samahan si Huo Mian ng ilang oras sa ospital, umalis si Qin Chu nang labag sa kanyang loob.

Pagkabalik naman ni Huo Miab sa opisina, binomba siya ng tanong ni Huang Yue.

"Huo Mian, sabihin mo nga sakin, sino siya?"

"Kaibigan lang."

"Hindi ako naniniwala sayo! Dali na! Sabihin mo na sakin, bago mo ba siyang boyfriend?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter