169 Malantad

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Tara na, o gusto mo pang mag-overtime sa trabaho?" Malamig na tanong ni Qin Chu.

"Hindi, ayoko po."

Pakiramdam tuloy ni Assistant Yang na swerte siya ngayong araw... sobrang swerte na ihahatid siya ng boss niya sa sinehan.

Pero may problema - kapag sumakay siya sa Maybach ni President, paano ang Volkswagen CC niya?

Okay lang naman na iwan nya ang kotse nya sa parking lot ng kumpanya, pero paano bukas ng umaga? Sasakay siya ng bus papasok sa trabaho?

Pero hindi yun ang problema rito. Ang problema ay hindi malamang dahilan, ipagmamaneho siya ng boss niya, ang president ng GK.

Syempre, ang hindi niya alam, ihahatid lang siya ni Qin Chu dahil wala ang asawa nito ngayon at wala itong ibang magawa.

Idagdag pa rito, ang ibig sabihin ng paghatid niya sa assistant niya, ay manunuod rin siya nung palabas.

Pagkarating nila sa sinehan, nasorpresa ang asawa ni Yang nag makita na may kasamang ibang lalaki ang asawa niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter